Chapter 6: The Interview

17 2 0
                                    

 Cons    

        Maagang naghanda si Cons para sa interview nya sa hotel.

      Kinakabahan parin sya kahit sinabi sakanya ni Neshien na for formality lang naman ang final interview dahil tanggap na naman sya.

     Mabuti nalang doon nagtatrabaho si Neshien kaya madali syang makapasok. At okay din naman ang credentials nya. Mas pinili nya lang talaga na i-manage yung grocery store nila ng tita nya. At ngayon na at risk ito. Kaylangan nyang gumawa ng paraan para maisalba ito. Pakonti-konti makakabawi rin sila.

        Sa Fort Bonifacio located ang hotel na pinapasukan ni Neshien. Magko-commute lang sya kaya talagang inagahan nya. Iwas traffic.

    Pero kapag minamalas ka nga naman nasiraan yung fx na sinakayan nya. Natagalan bago naayos.Ayaw nya namang mag-jeep dahil baka haggard na sya pagdating nya sa hotel.

      Nang marating nya ang hotel agad syang nagtanong sa reception kung saan ang office ni Mr. Leon Montemayor. Mukhang mamaya pa ang shift ni Neshien kaya wala ito.

      Itinuro sya nito sa top floor ng hotel. Doon daw kase ang kwarto/office ng may-ari ng hotel.
      
    Pagkabukas ng elevator when she reach the floor bigla syang kinabahan.

     Bakit naman ngayon pa sya kinabahan ng ganito?

     Huminga sya ng malalim bago nakangiting binati ang babaeng nasa mesa sa labas ng pint. Malaman ito ang secretary ni Mr. Montemayor.

     "Goodmorning! Ako po yung naka-schedule for final interview today." Nakangiting approach ko sakanya.

    "Ms. Consolacion Blanca?" Nakangiting tanong nito.

    "Yes." Sagot nya.

     "Kanina ka pa hinihintay ni Sir. Sandali lang sasabihin ko lang na nandito ka na." Tumayo ito at pumasok sa loob.

    Napatango nalang sya. Sabi na nga ba malelate sya eh. Nakakahiya bigboss pinaghintay nya. Eh, chamber maid lang naman ang inapplyan nya. Bahala na. Sana hindi ito magalit sa pagiging late nya. Mukha naman itong mabait nung nakilala nya ito nung pangalawan interview eh.

      Aja! Tiwala lang, Cons!

     Cheer nya sa sarili. Maya-maya lan lumabas ulit ang secretary.

     "Ms. Blanca, pumasok na daw po kayo sa loob." Nakangiti parin nitong sabi saka niluwangan ang bukas ng pinto para makapasok sya.

     Kinakabahan namang sumunod sya dito.

     Namangha sya sa ganda ng ayos sa loob ng opisina. Halatang lalake ang may-ari ng opisina pero maaliwalas at maganda.

     "Sir Jerry, nandito na po sya." Napalingon sya bigla ng marinig na ibang pangalan ang binanggit nito.

     "Thank you, Ms. Cherry. Sige iwan mo na sya dito." Narinig nya ang boses ng lalakeng tinawag nitong Sir Jerry. At napakunot ang noo nya ng makitang hindi nga ito si Leon Montemayor.

     Sino sya? Business partner? Anong posisyon nya sa hotel? Bakit sya ang makakausap nya sa final interview.

     "Okay po, Sir Jerry." Lumabas na si Ms. Cherry at naiwan syang nakatayo sa tapat ng mesa nito. Correction ni Mr. Leon Montemayor. Dahil ang pangalan nito ang nakasulat sa mesa nito. Sino ang lalakeng ito?

      Tumingin ito sakanya at nagsalita."Nagtataka ka siguro kung bakit ako ang nandito. Busy kasi si Leon. At bilang business partner nya may karapatan ako na mag-interview sa mga aplikante." He said. Nasagot na nito ang tanong sa isip nya. Pero wala ba itong balak na paupuin sya?

     "Okay, Sir. First, i want to apologize for being late." Alanganing sabi nya.

     
       "Tsk! Interview palang late ka na. Paano mo masisiguro na hindi ka malelate parati kapag nag-umpisa ka ng magtrabaho dito?" Medyo sarcastic na sabi nito.

     Hindi nya mapigilang magsalubong ang mga kilay nya. Bakit ganito ang tono ng pakikipag-usap nito sakanya.

       "Sir? Ahm.... May nangyare lang po kasing hindi inaasahan. Nasiraan yung sinakyan ko. Pero i will make sure na hindi na po ito mauulit. I will do my best to do my job well." Mahinahong paliwanag ko sakanya.

       She saw him smirk. Ano bang problema nito sakanya?

      "Are you sure you are here to work for hotel not for something else?" Tanong nito na nagpakunot sa noo nya.

     "What do you mean, Sir?" Hindi nya talaga ito maintindihan.

     "Why chamber maid? Instead of other position na mas qualified sa qualification mo? You can pass as receptionist or secretary." Tanong ulit nito habang matamang nakatingin sakanya. Waring ini-inspeksyon sya.

      Wala talaga itong balak paupuin sya. Nangangalay na ang binti nya dahil naka-heels sya. At bakit ba ganito ang mga tanong nito sakanya?

     "I choose that job kase yun lang ang kaya ng schedule ko. This is just a part time job for me, Sir. Because i still have a business to manage. But i will makesure na magagawa ko po ng maayos ang trabaho ko." Palabang sabi ko sakanya. Ayoko talaga sa tono ng pananalita nya. Is this how he talk to his employee?

      "A part time job? Are you sure na yon ang reason mo? Or, just like your friend you're stalking someone kaya ka nandito sa hotel?" Mapanuring tanong nito sakanya.

     Napakunot lalo ang noo nya sa sinabi nito. Tinitigan nya ito at mukhang naalala nya na kung sino ito.

      Ito yung kasama nung lalake na napagkamalang stalker si Dewey. At iniisip din nito na stalker din sya?

       "Hah!" Hindi nya napigilang matawa.

      "Anong nakakatawa? Siguro stalker ka rin ano?" Napatayo pa ito sa kinauupuan nito."Sinong ini-stalk mo dito ha!"

     "Excuse me, Sir. Your accusing me. At hindi naman yata tama yan. Nag-apply po ako dito dahil kaylangan ko ng trabaho. Not because of something else. At isa pa hindi po stalker ang kaibigan ko. I know her. She is a license nurse at hindi sya ganung klase ng tao katulad ng iniisip nyo rin saken ngayon." Hinihingal na paliwanag nya. Hindi nya na napigilan ang sarili dahil sa akusasyon nito.

        Bahala na kong hindi sya nito tanggapin sa trabaho after this. She need to defend Dewey and herself.

     "Hey-  ."  May sasabihin pa sana ito pero hindi na nito naituloy ng bumukas ang connecting door mula sa kabilang kwarto. At mula dito lumabas si Mr. Leon.

     "Enough, dude. You're harrasing my employee." Lumapit ito sakanya. "Kanina ka pa ba nakatayo, Miss?" Tanong nito saken. Tango lang ang naisagot nya dito. Buti pa ito hindi lang gwapo mabait pa. Kahit medyo seryoso.

       "Hindi mo man lang sya pinaupo?" Baling nito kay Mr. Sungit.

       "Dude, bakit ka lumabas? Di ba ako ang mag-iinterview?" Reklamo nito.

      "Mukha kasing iba na ang tinatakbo ng mga tanong mo eh. Wag nga kayo magdikit parati ni Russel nagkakahawaan na kayo eh. Pasensya na Ms. Blanca. You can leave now. Kunin mo nalang kay Cherry sa labas ang schedule mo." He said to me.

     "Tanggap na po ako, Sir?" I ask.

     "Yeah. You can start after you pass your requirements." He said na seryoso parin.

     "Thank you, Sir!" Masayang sabi ko sakanya.

    "Tsk!" Narinig ko na react nung isa.

   Liningon ko sya bago ako tuluyang lumabas ng pinto. Pasalamat sya boss din sya sa hotel. Kung hindi, makakatikim sya saken.

     Masaya akong umuwi pagkatapos kong makuha kay Ms. Cherry ang schedule ko. Itetext ko nalang siguro si Neshien.

      Excited na ko na magtrabaho dito. Sana lang wag kong makasalubong dito ang lalakeng yon.

A.N: Vote and comment! Thanks!

       Josahannbercasio
     

    

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now