Chapter 35: Con's Punishment.

20 2 0
                                    

         "Oh my gosh! Ang sweet naman ni Yumie at Yvan!" Kinikilig na react ni Neshien ng makita ang trending na picture ng dalawa online.

      Yung pics na nakaupo si Yumie sa lap ni Yvan.

        "At tignan mo may couple bracelet pang nalalaman ang dalawa." Cons.

       "Bakit kase hindi pa nila totohanin di ba? Bagay naman sila." Neshien.

     Kasalukuyang break ng dalawa at nasa cafeteria sila ng hotel.

      "Kaya nga. Parang aso at pusa nga lang. Infairness trending na naman sila ha." Cons.

      "Baka mamalayan natin artista na rin ang friend natin." Neshien.

       "Speaking of Yvan nga pala. Totoo ba na nagpareserve sya ng kwarto dito sa hotel?" Pabulong na tanong ni Cons kay Neshien.

      "Lahat naman silang magkakaibigan may reserve na kwarto dito sa hotel eh. At sa vip room lage." Neshien.

     "Sila na mga rich. Kaya mga arogante eh." Cons.

     "Are we still talking about Yvan o Sir Jerry?" Neshien.

     "Well, sya lang naman ang arogante noh. Kase kahit may pagka-cold yun si Sir Leon. Mabait naman yun noh. Binabati nya nga ang mga empleyado nya noh. Unlike yung isang yun. Parang hari kung mag-utos. Kung hindi lang dahil sa financial problem ng grocery hindi ko pagtyatyagaan ang ugali nun noh." Litanya ni Cons na hindi namalayan na pinandidilatan na sya ng mata ni Neshie.

     "Cons..." Neshien is trying to say to Cons na may tao sa likuran nito.

     "Anong problema mo?" Cons.

      "Sinong arogante at parang hari kung mag-utos?" It's Jerry na salubong ang kilay na nakatayo sa likuran ni Cons.

      Nanlaki naman ang mga mata ni Cons ng marinig ang boses nito.

     "Bakit di mo sinabi?" Pabulong na sabi ni Cons kay Neshien.

     "Sinisenyasan kaya kita." Neshien.

      "Ako ba ang tinutukoy mo, Ms. Blanca?" Jerry.

      "Ofcourse not, Sir! Bakit tinatamaan ka ba?" Humarapa dito si Cons. Kaya lalong nagsalubong ang kilay ng binata. Sinipa naman ni Neshien ang binti ni Cons mula sa ilalim ng mesa. "Ouch!" Reklamo nito. Pinandilatan ito ni Neshien.

       "Umayos ka nga." Mahinang sabi dito ni Neshien.

       "Maayos naman ako ah." Cons.

       "Hah! Masyado ka naman yatang matapang. Tignan natin kung hanggang saan yang tapang mo. Follow me in Leon's office." Saka nakapamulsang umalis si Jerry.

     "Cons! Anu ka ba! Gusto mo bang masisante?" Neshien.

      "Hmp! Nakakainis na kase sya noh. Pinag-iinitan nya ko." Cons.

      "Alam mo bang isa sya sa major stockholder ng hotel? Pwede ka nyang sisantehin." Neshien.

     "Haist! Bahala na nga! Nakakainis na kase sya eh! Alam mo bang pati sa grocery store pinipeste nya ko?"  Inis na sabi ni Cons.

     "Talaga? Paano syang napunta dun?" Neshien.

      "Feeling ko may bahay din sya dun sa  subdivision malapit sa grocery store namin. Kase tuwing makikita ko sya nakapang-jogging outfit sya." Cons.

       "At anu namang pamemeste ang ginagawa nya sayo?" Curious na tanong ni Cons.

     "Kapag nagpupunta sya dun lagi syang pinapipiyestahan ng mga babae. Kaya kahit wala silang bibilhin tumatambay sila sa grocery. Ang sarap sabuyan ng tubig. Including him." Gigil na kwento ni Cons.

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now