Chapter 65: LDR

17 2 0
                                    


    
         "Grabe! Pati mga estudyante ko kinikilig sa mga pictures nyo ni Yvan. PDA lang?" Heshin.

        "Ang sweet nga eh. So, is this still part of your act?" Neshien.

      "Oo nga. Kaya ka ba nya sinundo kina Dewey para gumawa ng eksena sa shooting?" Cons.

     "Grabe! Trending na naman kayo ha." Dewey.

     "Tse! Hindi nakakatuwa." Nakasimangot na reklamo ni Yumie.

     "Bakit ka ba kase hinalikan ni Yvan, Ate?" Lyhmie.

     "Pinagtawanan ko sya dun sa eksena na umaarte sya na bakla sya." Yumie sabay lagok sa juice na nasa harapan nya.

     "Haha! Kaya naman pala eh." Kishy.

      "Tsk! Humanda talaga sya saken kapag inulit nya pa yon." Yumie.

      "Asus! Ikaw na hinalikan ng isang sikat na celebrity. Dapat maflatter ka noh." Dewey.

     "Ikaw kaya pahalikan ko kay Russel." Yumie.

     "No way! Baka magkasakit ulit ako. Kagagaling ko lang noh." Dewey.

    "Asus! Isa ka pa! Eh, gumaling ka nga dahil sa tender, love and care ni Russel noh." Neshien.

     "Hoy! Hindi ah! Si mama ang nag-alaga saken." Dewey.

     "After ka alagaan ni Russel sa condo nya." Heshin.

      "Aminin mo na kase na may effect din sayo ang mga ginagawa ni Russel." Lizhen.

     "Alam nyo magsiuwi na tayo. Panay ang tambay natin dito sa coffee shop eh." Dewey.

    "Haha! Iwas pusoy? Dito muna tayo. Tapos na naman office hour kaya okay lang na tumambay muna tayo di ba?" Heshin.

     "Wow. Coming from you teacher heshin ha. Yung word na tumambay talaga?" Cons.

      "Eh, kase naman ayokong umuwi ng maaga eh." Malungkot na sabi ni Heshin.

      "Hay.... Ate heshin. Still missing him?" Lyhmie.

      "Hindi parin sya tumatawag? Kalimutan mo na nga ang lalakeng yon!" Dewey.

      "Oo nga. He doesnt deserve you! Maghanap ka nalang ng iba." Yumie.

     "Ui! Grabe kayong makapagpayo ha." Sita ni  Kishy sa dalawa.

     "Oo nga. Bigyan naman natin muna si Kerko chance makapagpaliwanag." Lizhen.

      "Yung sulat na iniwan nya ayon na yung paliwanag nya. Yun ba ang deserve bigyan ng chance?" Neshien.

     "Oo nga. Bukod sa duwag sya, unfair pa sya. Bumalik nga sya at bumawi kay Heshin. Pero para ano? Para saktan lang ulit at iwan si Heshin." Yumie.

     "Tama! Mas matimbang yung career nya ganun?" Dewey.

    "Teka nga. Bakit G na G kayong tatlo?" Cons.

     "Haha! Oo nga mga ate. Relax." Lyhmie.

     "Kaloka naman kase yang Kerko na yan noh! Mag-dadalawang linggo na mula ng umalis sya wala parin syang paramdam." Neshien.

    "Baka busy lang talaga sya." Heshin.

     "Is that enough reason?" Yumie.

      "Hindi. Kase kung mahal talaga nya si Heshin. He will find time for her." Kishy.

     "Tama! Lalo nat umalis sya ng walang paalam." Dewey.

      "Woah! Pati ikaw ate?" Lyhmie.

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now