Chapter 37: Jealous Russel

19 2 0
                                    

   
          "Where are you going?" Kunot ang noong tanong ni Russel kay Dewey ng makita nya itong palabas ng unit nya.

         Kaya napahinto sa paglabas si Dewey saka alanganin ang ngiting humarap kay Russel.

        "Itatapon ko lang itong basura mo." Itinaas nito ang hawak na garbage bag.

        "You dont have to do that. Yung tagalinis ng unit ko ang gumagawa nyan." Russel.

        "Okay lang ako na ang magbababa nito. Wala naman akong gagawin eh." Dewey insist.

      "Hindi na. Besides hindi pa naman puno yang garbage bag. Sayang naman." Russel said smirking to Dewey.

       "Ano ka ba! Dapat laging malinis ang paligid mo. Kaya itatapon ko na to okay?" Dewey is about to go ng humarang si Russel sa pintuan.

     "Huh? Ano bang problema mo?" Salubong ang kilay na tanong dito ni Dewey.

     "Sasama ko sayo." Russel.

     "Hah! You dont have to. Hindi ka pwedeng mapagod di ba?" Dewey.

     "Hindi naman ako mapapagod. May elevator naman. At tsaka dapat daw akong mag-exercise kahit papano sabi ni Doc." Russel.

       Napahinga ng malalim si Dewey.

     "Maghahagdan ako kaya mapapagod ka." Dewey.

     "Edi mag-elevator tayo para hindi ako mapagod." Russel na ayaw patalo. Dahil alam kung anong purpose ng pagtatapon ng basura ni Dewey. "Let's go, Nurse Dewey." Nakangising yaya ni Russel sa dalaga saka nauna ng lumabas ng unit nito.

       "Grrrr! Kaasar! Sinisira nya ang silay moment ko sa gwapo nyang kapitbahay." Dewey.

       "Let's go." Narinig nyang sabi ni Russel.

      "Nandyan na!" Wala na syang nagawa kundi sumunod dito.

       Nakasimangot si Dewey mula elevator hanggang sa pabalik na sila. Pero napangiti sya ng bumukas muli ang elevator at sumakay si Ryan.

       "Ow! Hi, Nurse Dewey!" Nakangiting bati nito sa dalaga ng makapasok sa elevator.

      "Hi, Ryan!" Pasweet na ganting bati ni Dewey dito. Shocks! Ngiti palang ulam na. Kinikilig sa loob-loob nya si Dewey.

      "So, everyday kang nandito sa building for your patient?" Tanong ni Ryan na katabi ng dalaga.

      "Oo." Tipid na sagot ni Dewey. Trying so hard to hide her kilig.

      "I see. Ang sipag mo naman. Your patient is lucky to have a nurse like you. Maganda na mabait at masipag pa." Puri ni Ryan sa dalaga na ikina-blush nito.

      "Ikaw naman ang lakas mong mambola." Hinampas ni Dewey ng mahina sa braso si Ryan.

     "Of course not! Hindi yun bola." Ryan.

      "Haha! Sige na nga kunwari naniniwala ako." Dewey.

      Natawa na rin si Ryan sa tinuran ng dalaga. Natigil sila sa pagtawa ng makarinig sila ng malakad na pagtikhim mula sa likuran nila.

      Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator.

      "Let's go." Sabay hila ni Russel kay Dewey palabas ng elevator. Tuloy-tuloy ito hanggang sa unit nila kaya hindi na nakapagpaalam si Dewey kay Ryan. Nakita nya na kinawayan nalang sya nito ng nakangiti.

      "Ano ba! Bakit ka ba nanghihila!" Reklamo ni Dewey ng makapasok na sila sa unit ni Russel.

       "So, tama ako. Kaya gustong-gusto mong ibaba yung basura kase makakasabay mo sa elevator ang lalaking yon." Salubong ang kilay na sabi ni Russel.

       "Hoy! H-Hindi ah. Tsaka a-ano bang pakealam mo?" Dewey.

        "Let me remind you, you are here para alagaan ako. Hindi para makipaglandian sa kapitbahay ko." Russel.

       "Ano?!? Makipaglandian agad? Hindi ba pwedeng nakikipag-friends lang?" Dewey.

      "Hah! Makipag-friends pala ha. May pahampas-hampas ka pa sa braso ng lalakeng yun. Sinabihan ka lang ng maganda naniwala ka naman." Russel.

       "A-Anong sinabi mo? Bakit? Maganda naman talaga ako ah!" Dewey.

       "Saan banda?" Russel.

       "Hah! Ang kapal mo ah. Ang sabihin mo insecure ka lang kay Ryan kase mas gwapo sya sayo!" Dewey.

       "Hah! Saan banda?" Russel.

        "In all aspect! Sya gwapo na mabait pa! Hindi kagaya mo!" Inis na sigaw dito ni Dewey.

       "Are you shouting at me, Nurse Dewey?" Lalong nagsalubong ang kilay ni Russel.

       "Hindi ako sumisigaw bumubulong lang ako." Sarcastic na sagot dito ni Dewey.

       "Hah! Sinisigawan mo ang pasyente mo. Tapos kanina nakikipagflirt ka dun sa lalaking yon. I can't believe you." Russel.

      "Hoy! Hindi ako nakikipag-flirt noh! Friendly lang talaga akong tao. At tsaka you're provoking me. Kaya kita nasisigawan." Dewey.

      "Wow! Friendly? Ikaw? Parang hindi ka naman ganun saken." Russel.

       "Kase lagi mo kong iniinis." Frustrated na sabi ni Dewey.

      "From now on, wag mo ng pakikialaman ang basura ko." Russel said saka tinalikuran na ang dalaga.

      "Fine! Kumaen ka na tapos inumin mo na ang mga gamot mo." Saka padabog na nagpunta ng kusina si Dewey.

         At dahil hindi nya na pwedeng pakialaman ang trash ni Russel sa unit nito. Umisip si Dewey ng ibang paraan para makasilay kay Ryan.

       "Hehe.... Ang utak ko talaga. Bakit naman kase tuwing ganitong oras lang sya lumalabas ng unit nya eh. Todo effort pa tuloy ako para masilayan ang kagwapuhan nya." Murmur ni Dewey habang inaabangan ang pagbukas ng elevator. At pagbukas nito inihanda nya na ang matamis na ngiti para kay Ryan. Pero nawala ang ngiti nya ng hindi si Ryan ang makita nya sa loob kundi ang nakangising si Russel.

         "Goodmorning, Nurse Dewey. You're late again." Nakangising sabi ni Russel. "Sasakay ka ba o hindi?"

       Padabog na sumakay sa elevator si Dewey.

        "What's your alibi this time? Kahapon naiwan mo yung cellphone mo kaya sabi mo bumalik ka ng bahay nyo, the other day lumagpas yung sinakyan mo. How about today? Nawalan kayo ng tubig? Nasira ang tyan mo?" Nakapamewang na seryosong tanong ni Russel sa dalaga.

         "Hehe..... Pasensya na. Hindi mo naman siguro ako papalitan di ba? Hindi na mauulit." Alanganin ang ngiting sabi ni Dewey.

        "Well, you just give me an idea. Pwede naman kitang papalitan sa ospital eh." Napahawak sa baba na sabi ni Russel. Bumukas ang elevator at lumabas ito.

        "Hey! Wag naman. Hindi na nga mauulit eh. Wag mo na kong papalitan. Okay?" Naalarma naman na sumunod dito si Dewey.

       "Hah! Bakit biglang ayaw mo ng umalis? Dahil hindi mo na makikita ang lalakeng yon?" Huminto sa paglalakad si Russel at hinarap si Dewey.

        "W-Wala ka na don noh!" Nakangusong reklamo ni Dewey.

        Nasa harapan na sila ng unit ni Russel at sakto namang bumukas ang pinto sa katapat na unit.

        "Goodmorning, Dewey." Bati ni Ryan sa dalaga.

        "Goodmorning, Ryan!" Matamis ang ngiting ganting bati ni Dewey dito. "Ay!" Napapikit at napatili sya ng biglang sumara ng malakas ang pintuan ng unit ni Russel. "Pasensya ka na. Baka na-ccr na sya kaya binagsak nalang basta ang pinto." Alanganing ngiti nya kay Ryan.

       "I guess your patient is being jealous." Nakangiting sabi ni Ryan.

      "Ha?" Yun lang ang nasabi ni Dewey.

A.N: Vote and comment. Thanks!

         Josahannbercasio.

     

      

     

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now