Chapter 64: The Unexpected Kiss.

15 2 0
                                    

          "Aaaahhhh!!!!! Oh em! Kung kasing hot ba naman ng manliligaw mo ang mag-aalaga sayo okay lang magkasakit." Kinikilig na react ni Kishy ng magkwento sakanila si Dewey.

      "Oo nga. Imagine sakanya pa namin nalaman na may sakit ka. Buti nakita ko sya sa hotel." Neshien.

     "Ang ingay nyo. Dapat hindi nya nalang sinabi sainyo na may sakit ako." Nakasimangot na reklamo ni Dewey na nakahiga pa sa kama.

     Dinalaw sya ng mga kaibigan ng malaman mula kay Russel na may sakit sya.

      "Haha! Ang hard mo. Dapat nga thankful ka kase dinalaw ka namin noh." Yumie.

     "At may dala kameng fruits for you, Ate." Lyhmie.

      "Thanks, Lyhmie. Ang iingay nyo naman kase." Dewey.

      "Eh, sa kinikilig kame eh. Anung sabi ng parents mo nung inihatid ka nya dito?" Lizhen.

     "Ayon nakurot ako ni Mama. Tapos sila kuya todo interview sakanya." Dewey.

     "Eeeee!!! Meet the family na pala ang peg ni Pafa Russel." Kishy.

      "So, anong feeling na alagaan ka ng dati mong pasyenteng gwapo?" Cons.

      "Hindi nakakatuwa noh. Ginisa tuloy ako dito sa bahay dahil sakanya." Dewey.

     "Kunwari ka pa! Kinilig ka din eh." Heshin.

     "Tse! Hindi ah. Kahit na magaling syang magluto, kahit na inalagaan nya ko. Nakakainis parin sya." Dewey said na nag-iiwas ng tingin sa mga kaibigan.

     "Haha! Nakakainis kase kinikilig ka?" Yumie.

    "Oo nga. Nafafall ka noh?" Neshien.

     "Hindi ah! Hindi ako kinikilig! Mas lalong hindi ako nafafall sa Russel na yon noh?" Dewey.

     "Sabi mo eh. Lumalake butas ng ilong mo oh. Deny pamore. Ako hindi ko idedeny na namimiss ko na sya...." Malungkot na sabi ni Heshin.

     "Ahhh.... Nandito lang kame for you ate heshin." Lyhmie.

    "Tama! Kapag bumalik yung Kerko na yon gugulpihin natin sya." Cons.

     "Sana nga bumalik sya." Heshin.

     "Cheer up, Heshin!" Kishy.

      "Ang saya mo ha. So, now that your first love is here move on ka na kay Luke?" Dewey.

      "Change topic?" Kishy.

       "Haha! Pero ano bang real score sainyo ng first love mo?" Lizhen.

      "We're okay. Masaya akong kasama sya." Kishy.

      "Pero paano kapag nalaman mo na may feelings din pala sayo si Luke?" Cons.

     "Oo nga. Sinong pipiliin mo, Ate?" Lyhmie.

     "Haha! Saka na ko mag-iisip kapag nagkatotoo yang sinabi nyo." Kishy.

      "Oh my! So it means your hoping din na may feelings for you si Luke?" Dewey.

      "Wala akong sinabi noh." Kishy.

      "Pero obviously mas matimbang si Luke kesa kay first love, right?" Neshien.

      "Ewan ko sainyo! Bakit napunta saken ang hotseat?" Kishy.

      "Haha! Ganun talaga ate." Lyhmie.

      "Oo nga.haha!" Lizhen.

       Napalingon sila sabay-sabay ng may kumatok sa pinto ng kwarto ni Dewey.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon