Chapter 119: Welcome Party!!!

16 1 0
                                    

*******

        "Waaaaaahhhhh!!!!! Parating na sila! Ready na ba ang lahat?" Natatarantang tanong ni Dewey sa manager at mga staff ng hotel.

            "Relax, sweetie." Pagpapakalma naman ni Russel sa girlfriend.

            "Oo nga naman. Kalma ka lang, Dewey. Wala ka sa emergency room ngayon anoh." Sabi dito ni Cons na prenteng nakaupo lang.

           "Wow! Relax na relax ha. Naging kayo lang ni Jerry eh. Pero nung mga nakaraang araw, you look so bothered kase wala syang paramdam." Dewey.

         "A-Ang daldal mo talaga! Doon nga muna ako sa kitchen. Ichecheck ko yung mga foods." Nagbablush na umalis si Cons para magpunta ng kitchen.

         "Haha! Nagbablush sya oh." Pahabol na pang-aasar pa dito ni Dewey.

        "Ikaw talaga, sweetie. Napakapilya mo." Naiiling at nagngingiting sabi ni Russel na inakbayan si Dewey. "Sige na pumunta na kayo sa mga pwesto nyo. Kame ng bahala dito." Baling nito sa mga empleyado ng hotel.

         "Okay po, Sir." Nag-sialisan na ang mga ito.

      At naiwan sa may lobby ng hotel ang dalawa.

        "Nasaan na ba ang mga yon? Sabi ni Jerry kasama nya na sila Leon papunta dito sa hotel di ba?" Dewey.

       "Oo. At kasama na daw nila Lance sina Kerko. Medyo nahirapan lang silang takasan yung mga press sa airport dahil dinumog daw si Kerko." Russel.

       "Naku! Mukhang nag-viral ang pagdating ng sikat na athlete ah. Nabalitaan kase nila na nag-retire na si Kerko at magbabalik na sa Pilipinas for good. At siyempre dahil yon kay Heshin. Eeeee!!!! Nakakakilig di ba?" Dewey.

          "Tsk! Dapat saken ka lang kinikilig." Russel.

          "Aysus! Dont tell me selos ka na dun agad? Siyempre sayo lang ako kinikilig ng bongga noh!" Naglalambing na tiningala ni Dewey ang boyfriend at yumakap sa bewang nito.

          "Ops! Umay alert." It's Yumie na kasunod ang nakabusangot na si Yvan.

         "Oh? Anyare? Bakit ganyan ang mukha nyang isang yan?" Nakapewang na tanong ni Dewey.

        "Hindi kase nasunod yung kabaduyang gusto nya." Yumie.

        "Wearing a couple shirt is not baduy! Kinahihiya mo yata ako eh." Hindi padin maipinta ang mukhang sabi ni Yvan.

       "Hahaha! Couple shirt? Magpagawa rin kaya tayo ng ganun, sweetie?" Dewey.

       "Why not! Choose a design ipapahanap ko sa secretary ko." Russel.

        "Eeeee!!!! Nakaka-excite naman." Dewey.

         "Ang gaya-gaya nyo." Yvan.

         "Ewan ko sainyo. Ready na ba lahat? Wala na tayong gagawin?" Yumie asked.

          "Wala na. Natapos na natin kagabi. Pero natataranta parin ako. Aaahhhh!!!! Parating na sila!" Dewey.

          "Actually mukha ngang dumating na sila." Yumie said na nakatingin sa may entrance.

           "Aaaahhh!!!! Position guys! Yung mga confetti ha at party poppers ha." Bilin pa ni Dewey sa mga empleyado na kasama nilang sasalubong sa mga bagong dating.

       Pwumesto na sila at maya-maya pa dumating na ang dalawang couple kasama ang mga sundo nila.

        "Welcome back!!!!" Sabay-sabay na sigaw nila kasabay ng pagsaboy ng mga confetti at pagpapaputok nila sa party poppers.

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now