Chapter 93: Stolen Kiss

19 2 1
                                    

          Ipinark ni Leon ang kotse sa garahe ng bahay nya saka bumaling sa mahimbing parin na natutulog sa kalasingan na si Neshien.

        "Tsk! Ilang beer naman kaya ang naubos nya? Hey! We're home." Sinubukan nyang gisingin si Neshien pero hindi man lang ito natinag. "So, she is so drunk." Naiiling na lumabas ng kotse si Leon saka binuhat si Neshien papasok ng bahay nila. "Haist! Kasalanan to ni Yvan. Hindi nya dapat sila hinayaang uminom eh. Ang bigat..." Reklamo pa nito hanggang maka-akyat sa second floor ng bahay.

        Inilapag ni Leon sa kama ang hindi man lang nagising na si Neshien.

        "I have to remind myself na pagbawalan syang uminom." Kinumutan ito ni Leon saka sya naglakad na palabas ng pinto pero napabalik sya ng mahulog sa kama si Neshien. "Hey! Hindi ka magaan ha!" Singhal ni Leon sa walang kamalay-malay na dalaga.

         Binuhat nya uli si Neshien saka ibanalik sa kama. Akala nya mahuhulog ito pero mukhang safe naman ito sa pwesto nito kaya sya nakahinga ng maluwag. Nanatili pang nakatayo si Leon sa gilid ng kama habang nakatitig sa mahimbing na natutulog na si Neshien. At hindi nya maiwasan mapatitig sa mukha nito hanggang hindi nya na namalayang sobrang lapit na ng mukha nila sa isat-isa. But instead of kissing Neshien sa lips ay hinalikan nya ito sa noo. Saka sya magmamadaling lumabas ng kwarto nito.

        "What the heck are you doing Leon!" Kastigo ni Leon sa sarili saka naguguluhang pumasok na sa sarili nyang kwarto.

       Kinabukasan paggising ni Leon, nadatnan nya si Neshien sa kusina. And takenote nakapagluto na  ito ng almusal nila.

      "Goodmorning! Ahm... Mag-breakfast ka na." Naiilang na aya ni Neshien kay Leon.

       "Wala kang hang-over?" Leon ask habang nauupo ito.

        "Ha? Hang over? W-Wala." Nahihiyang sagot ni Neshien.

         "Talaga? Sa tindi ng kalasingan mo kagabe, mabuti naman wala kang hangover." Sabi ni Leon bago sumimsim ng kape na tinimpla ni Neshien for him.

       "About that nga pala. Paano ako nakauwi kagabe?" Nahihiyang tanong ni Neshien na halos hindi makatingin sa binata.

       "Yvan, called me and he said na sunduin kita dahil lasing na lasing ka." Leon.

      "Exagge naman non! Lasing na lasing talaga? Eh, nag-beer lang naman kame." Neshien.

       "Nagbeer lang kayo pero pare-pareho kayong tulog na tulog sa kalasingan." Leon said habang kumakaen.

      "T-Talaga? Ahm.... A-Anong ginawa ko? Wala naman akong ginawang kakaiba di ba?" Kinakabahang tanong ni Neshien kay Leon.

     "W-Wala." Naiilang na nag-iwas ng tingin si Leon. Dahil sya ang may ginawa. Guilty lang?

      "Sigurado ka?" Paniniguro ni Neshien.

     "Oo. Im done. Salamat sa breakfast. Mauna na kong pumasok sa hotel. Its okay kahit malate ka." Tumayo na si Leon. He is about to leave ng matigilan ito saka liningon ulit si Neshien. "One more thing, bawasan mo ang pagkaen ng kanin. Nahirapan akong buhatin ka kagabe." Saka tuluyan ng umalis si Leon na napangiti pagkatalikod nito.

         "Hah! Anong sinabi nya? Mabigat ako?" Naiwan sa kusina ang hindi makapaniwalang si Neshien.

*******

           "Oh. Ang aga mo ah. Dont tell me may usapan na naman tayo ngayon tapos hindi ko na naman nabasa ang message mo?" Nakapamewang na tanong ni Dewey kay Russel na nakatayo ngayon sa tapat ng nurse station.

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now