Chapter 17: Script Reading

16 2 0
                                    

A.N: Confused ako kung first person o third person pov ang gagamitin ko. 😀

Yumie

              Script reading ngayon ng mga cast. At habang tahimik at seryosong nagbabasa ng script ang ibang artista, ang letseng si Yvan Castillo.  Panay ang reklamo. Ilang beses akong huminga ng malalim para pigilan ang sarili ko na bulyawan sya.

         Pero mukhang inuubos nya ang pasensya ko.

        "How can i deliver this kind of lines? It's so gay!" Reklamo nya pointing to the script sa harapan nya.

      "Malamang. Eh, gay nga ang role mo di ba?" Hindi ko napigilan ang sarili ko na barahin sya.

      
      "Tama si Ms. Yumie. Those lines fits  your character in the movie, Yvan." Sang-ayon ni Yvonne saken.

      Hehe... Napangisi ako kay Yvan. Habang napasimagot naman sya at tinignan ako ng masama. Ano ka ngayon? Kakampi ko ang leading lady mo.
       Feminist si Yvonne Guevarra kaya ayaw nya sa mga playboy na tulad ni Yvan. Civil at professional lang talaga sya sa mga nakakatrabaho.

       "Okay. I understand. Pasensya na." Plastic na ngumiti si Yvan saken.

       Tsk!

       
       Iningusan ko naman sya. Napaka nya talaga.

       Mabuti naman hindi na sya ulit nagreklamo ulit. Siguro dahil kay Yvonne.

       Akala nya naman maaakit nya si Yvonne. Idol ko kaya sya. And i know na hindi sya tulad ng mga babaeng nahuhumaling sa katulad ni Yvan.

      Natapos naman ng matiwasay ang script reading. Napag-usapan na rin kung saan ang unang location ng shooting. Pero bago yon kaylangan munang mag-workshop ng  cast para sa preperasyon sa mga gagampanan nilang role.

      And sadly i have to be there also. Kaya i need to endure the annoying cassanova.

      After mag-usap usap, we have to sign the contract na.

      This is it! Official writer na ko. Mapapublish at magiging movie pa ang isinulat ko.

      Pero nasira ang pagbubunyi ko sa isip ko ng tumabi saken si Yvan.

      "Tsk! Daydreaming? Kapag nilangaw ang movie na to at nasira ang career ko. Magbabayad ka." Sabi nito na kameng dalawa lang ang nakakarinig.

      Napasimangot tuloy ako.

       "Kapag hindi nag-click ang movie, ibig sabihin hindi ka magaling umarte." Pabulong ko ding sabi sakanya.

       "Guys, you have to smile in front of the camera while signing the contract." Sabi ni Direk Shawn.

       "Okay, Direk." Walang ganang sagot ni Yvan.

       "Congratulation, Ms. Yumie!" Nakangiting bati saken ni Yvonne kaya napangiti na rin ako.

      "Thank you." Nakangiting sagot ko sakanya.

     Narinig ko namang ng tsk si Yvan. Kontrabida talaga.

      "Okay, sign the contract. Smile okay?" Utos ni direk.

      Sabay-sabay naming pinirmahan ang contract sa harapan namin. Napapangiti ako dahil sa wakas. Ito na ang matagal kong pangarap. Hindi ko hahayaan na sirain ng Yvan Castillo na ito ang kasiyahan ko.

       "Okay, face the camera." Utos ulit ni Direk. Sumunod naman kame.

       "Magdikit kayo Yvan and Yvonne." Direk.

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now