Chapter 94: A Lovers Selfie

20 2 0
                                    

         "Welcome back, Ate!" Hyper na sigaw ni Lyhmie saka niyakap ang ate nya.

        "Thanks, sis! Namiss kita." Kishy.

       "Namiss ka din namin, Ate." Nakangiting sabi ni Lance na nakaakbay kay Lyhmie.

      "Awtsu! Ang sweet nyo naman parang hindi kayo asot-pusa nung una ah." Kishy.

      "Sya lang naman ang nang-aaway saken, Ate eh." Lance.

       "Wow ah! Feel na feel mo ang pagtawag kay Kishy ng ate ha." Its Luke na nakatayo naman sa tabi ni Kishy.

      "Should i call you kuya from now on?" Nakangising tanong ni Lance sa pinsan.

     "Well, mukhang magiging brother in laws pa tayo insan." Luke.

      "Haha! Ang feeling nyong mag-pinsan ha. Engage palang kayo ng kapatid ko Lance pwede pang hindi matuloy yon noh. At ikaw hindi pa kita sinasagot remember?" Nakataas ang isang kilay at nakapamewang na sabi ni Kishy sa mag-pinsan.

        "Ate kishy naman." Napapakamot sa ulong sabi ni Lance.

      "Sigurado naman na sasagutin mo din ako eh." Luke.

      "Haha! Ikaw na conceited." Kishy.

      "Magpinsan nga sila. At ikaw ha! Anong sinabi mo ha?" Nakapamewang na tanong ni Lyhmie kay Lance.

      "Ei! Wag ka ng magalit okay? Selfie nalang tayo dali!" Inakbayan ni Lance ang fiancee saka itinapat sakanilang dalawa ng hawak nyang camera.

     "Wait lang. Ayusin mo ha." Lyhmie na nag-pose naman.

      "Tsk! Sila na sweet." Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita na si Heshin na nakasimangot.

      "Heshin! Namiss kita! How are you na ha? Okay ka na ba?" Niyakap ito ni Kishy at worried na tinanong.

      "Mukha ba yang okay? Tignan mo nga at bitter-bitteran ang peg." Yumie na kasunod naman si Yvan na nakabuntot dito.

     "Wow! Nagsama-sama yata ang mga sikat sa event na ito ha." Cons.

     Inimvite sila nina Kishy at Luke sa party na yon. Na para sa success ng album at shows ng mga ito.

      "Sinabi mo pa. Even Neshien is here. Buti nabitbit mo ang businessman mong asawa. Thanks sa pagpunta guys." Masaya silang sinalubong ni Kishy at Luke.

      "Congratulations sa album nyo. Siguro naman hindi kayo maglalaseng tonight di ba?" Leon.

     "Ha? What do you mean, dude?" Nagtatakang tanong dito ni Luke.

     "Nung nakaraan kase nalaseng sina Yumie, Neshien at Heshin." Yvan.

     "Haha! Kaya naman pala nakabantay si Leon baka maglaseng ka ulit Neshien." Dewey.

     "Shut up, Dewey! Ikaw nga nakapulupot ka dyan kay Sir Russel eh. Mawawala?" Ganti dito ni Neshien. Kaya naman napakalas si Dewey sa paghawak sa braso ni Russel sabay irap kay Neshien.

     "Bakit naman kase kayo naglasing mga ate?" Tanong ni Lyhmie sa tatlo.

     "Dinamayan lang namin si Heshin." Yumie.

     "Oo nga. Malay ba naming malalaseng kame sa tig-dadalawang bote ng beer." Neshien.

     "Seryoso? Nalasing kayo sa beer?" Natatawang tanong ni Dewey.

     "Tuwang-tuwa lang Dewey?" Tinignan ito ng masama ni Heshin.

    "Oo na. Hindi na ko tatawa. Juice lang kayo tonight ha." Dewey.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon