Chapter 50: Russel's Confession

22 2 1
                                    

Dewey

          "Hahaha! Kaya pala hindi ka na nakabalik sa pool kahapon eh." Natawa kame kinabukasan ng ikwento samen ni Cons ang pagpapower trip sakanya ni Sir Jerry.

      "Makatawa wagas?" Nakasimangot na reklamo ni Cons.

     "Hay naku Cons alam mo baka ginagamit lang ni Sir Jerry ang pagiging boss nya para makasama ka." Neshien.

    "Eeee!!!! Oo nga. Una love na love nya ang luto mo. Tapos ngayon gusto nya lagi kayong magkasama." Kinikilig na tili na naman ni Kishy.

      "Hindi nakakakilig ate. He is using his position against ate cons. And its not good." Lyhmie.

      "Ang kontrabida mo sisi." Napangusong reklamo ni Kishy sa kapatid.

      "May point si Lyhmie. Yang magkakaibigan na yan mahilig magpowertrip. Tignan nyo nalang yung pasyente ko. Lagi nyang ginagamit yung pagiging pasyente nya at pagbabayad nya saken. He even drag me in this island ng sapilitan." Sang-ayon ko kay Lyhmie then lahad ng sama ng loob ko sa magaling kong pasyente.

      "So, you dont like here?" Sabay-sabay kameng napalingon sa nagsalita. And its none other than Russel.

      "Ui! Kayo pala Sir Russel. Kanina ka pa nandyan?" Cons.

     "Just enough to hear Nurse Dewey's sentiments." Sagot ni Russel na saken nakatingin ng seryoso.

     "Hehe... Guys, i guess kaylangan ng painumin ng gamot ng pasyente ko. Excuse muna ha." Pabulong na sabi ko sa apat saka ko hinarap si Russel. "Kukunin ko lang yung gamot mo. Hintayin mo nalang ako sa living room, okay?" Nakangiti kong sabi sakanya saka ko sya nilagpasan.

******

       Pagpunta ko sa living room prente na syang nakaupo sa sofa.

       "Ito na po yung gamot nyo, Sir. Sandali kukuha pa pala ko ng tubig sa kitchen. Wait lang ha." Tumalikod na ko para kumuha ng tubig ng mapahinto ako ng magsalita sya.

     "Ayoko ng uminom ng gamot." He said sa seryosong tono.

     "Anong sabi mo?" Kunot noong hinarap ko sya.

     "Should i repeat it? Okay. Sabi ko ayoko ng uminom ng gamot na yan. Kaya dont waste your time sa pagkuha ng tubig." Seryoso parin nyang sabi.

    "Ano na namang trip mo? Nung sinabi ni doc na okay ka na, you insist na hindi pa. Tapos biglang sinabi mo na bumalik na ko ng ospital kase okay ka na then sumakit ang ulo mo kaya na-admit ka ulit sa ospital. Tapos ngayon ayaw mo ng uminom ng gamot? Anong trip na naman to ha!" Hinihingal ako pagkatapos ng speech ko.

      "Tsk! Ikaw yata ang may kaylangan ng tubig. Wait kukuha ako sa kitchen." Nakangising tumayo si Russel. Nilagpasan nya ko nagtuloy-tuloy sa kusina.

     "Hoy! Saan ka pupunta? Hay... Infairness hiningal nga ako ha." Hinihingal na napahawak ako sa dibdib ko sabay upo sa one seater sofa.

     "Here." Poker face na inabot saken ni Russel ang isang basong tubig.

     "Ano yan?" I ask.

     "Tubig." Sagot nya naman.

      "Pilosopo. Para saan? Iinum ka na ng gamot?" Tanong ko ulit sakanya.

      "Tsk! Drink it." Pagkasabi nya nun itinapat nya sa bibig ko ang baso at sya na mismo ang nagpainum saken ng tubig.

     Kaya nabulunan ako.

     "Ahu!Ahu! Ahu!"

      "Hey! Are you okay?" Natatarantang inilapag nya sa center table ang baso saka hinagod ng kamay nya ang likod ko.

     "Ahu!ahu!ahu! Kasalanan mo eh!" Asik ko sakanya.

     "What? Paano ko naging kasalanan? Eh, pinainum lang naman kita ng tubig. Hingal na hingal ka. Ang daldal mo kase." Salubong ang kilay na sabi nya.

       "Kaya ko kaseng uminom ng tubig on my own. Ang arte mo kase! Kung ayaw mong uminom ng gamot bahala ka sa buhay mo! Bahala ka kung ayaw mong gumaling!" Sabay tayo ko and i was about to go ng magsalita ulit sya.

     "Magaling na ko." He said.

     "Ano?" I ask.

     "Magaling na ko kaya ayoko ng uminom ng gamot." Russel.

      "So, inaamin mo na ngayon na okay ka na? Eh,bakit ini-insist mo na hindi pa? Alam ko na. Kase gusto mo parin akong pahirapan kahit magaling ka na. O, di kaya gusto mo pa kong makasama. Aminin mo nga. May gusto ko saken noh? Ang ganda ko talaga." Over confident na sabi ko then i flipped my hair.

       "Pift! Hahahahaha!" Tawa nya ng wagas. Kaya napasimangot ako.

      "Bwisit ka talaga! Tumigil ka nga! Walang nakakatawa! Baliw ka talaga! Baliw!" Nainsulto ako sa tawa nya kaya nanggagalaiti ako ngayon sa galit.

      Bigla naman syang sumersoyo saka tumingin saken ng diretso.

     "Tama ka. Baliw na nga siguro ako." He said.

      "Hahaha! Buti naman aminado ka. Baliw ka na nga talaga. Epekto siguro ng operasyon sayo." Ako naman ang tumawa this time.

      "Maybe." Tipid nyang sabi.

      "Should i admit you to a mental hospital?" Natatawa pading tanong ko sakanya.

      "Go ahead." Pokerface na sagot nya.

      "Hey! Hindi nga? Seryoso? Baliw ka na talaga?" Pinigil ko ang tawa ko saka ako tumingin sakanya.

     "Go ahead. Basta ikaw ang magiging nurse ko sa mental hospital." Seryoso padin nyang sagot sa sinabi ko.

     "Haha! Pati ba naman sa mental ako padin ang magiging nurse mo? Baliw. Hahaha!" Hindi ko na napigilang matawa ulit.

     "Dapat lang naman siguro na yung naging cause ng pagkabaliw ko ang mag-alaga saken di ba?" He said na nagpahinto sa tawa ko.

     "What?!? Anong sinasabi mo?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

     Humakbang sya palapit pa saken habang hindi inaalis ang tingin nya saken.

        "Tsk! Palagay ko kase nababaliw na ko. Kase kahit ayokong aminin feeling ko nagkakagusto na ko sayo." Russel said na ikinalaki ng mga mata ko sa shock.

      Hinintay ko na tumawa sya at sabihin nya na joke lang. Pero seryoso parin syang nakatingin saken.

       "Are you waiting to the part na sasabihin kong joke lang." Russel said. Nabasa nya ba ang nasa isip ko? "Well, sorry to dissapoint you. But this is not a joke. I think i like you." He said those words that makes my heart beat fast and it almost take my breath away.

       Literally.

         Wiw! Hangin please! I need air!!!!

        "Tsk! Humihinga ka pa ba? Gusto mong bigyan kita ng CPR?" Nakangisi nyang tanong na ikinapula ng mukha ko.

         "T-Tse! Baliw! Baliw ka! Aaaahhhhh!!!!!" Sumisigaw na nagtatakbo ako paakyat ng hagdan papunta sa kwarto.

A.N: Happy holidays!!!!

       Vote and comment. Thanks!

      Josahannbercasio.

Rainbow Friendsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें