Chapter 25: The annoying hot boss.

21 2 0
                                    

         "Manong dito nyo na po sa storage room i-diretso ang mga yan. Pakibilang po ng maayos ha. The last time kase kulang yung i-deniliver nyo nung dinouble check ko eh." Sabi ni Cons sa mga taga-deliver ng softdrinks sa grocery store nila.

       "Ganun po ba? Pasensya na po, Mam." Nahihiyang sabi ng isa sa mga taga-deliver.

       "Okay lang po. Paki-double check lang po this time." Nakangiting sagot dito ni Cons.

       "Sige po, Mam." Nakangiti ding sagot nito saka isinalansan ang mga order ni Cons para dalhin sa bodega o storage room.

       "Salamat po. Daanan nyo nalang po sa cashier yung bayad at resibo." Iniwan nya na ang mga ito para i-check ang iba pang paninda sa grocery store."Tita, dumating na po ba yung bagong stock ng mga shampoo at conditioner?" Baling ni Cons sa tiyahin na nag-aayos sa isang estante.

        "Wala pa. Baka maya-maya nandito na yon." Sagot naman ng tiyahin nito.

        "Okay po." Itinuon naman ni Cons ang atensyon sa pag-aayos ng iba pa nilang paninda."Huh?" Napakunot ang noo nya."Bakit pakiramdam ko kanina pa may nakatingin saken? Aaah!" Napasigaw sya ng mag-silaglagan ang mga paninda sa isang estante.

         "S-Sorry!" Natatarantang pinulot ng lalake ang mga nagkalaglagang paninda.

         "Sir Jerry?!?" Di makapaniwalang bulalas ni Cons."Anong ginagawa mo dito?"

       "Malamang may bibilhin? Ano ba to? Grocery store right?" Sarcastic na sagot ni Jerry.

        "Sinabi ko bang hardware or something? Pero teka ang layo nito sa hotel ha. Bakit ka napadpad dito?" Nakataas ang kilay na tanong ni Cons dito.

       "Pakealam mo? Ayusin mo na nga lang tong mga to." Utos nito sabay turo sa mga napkins na nalaglag sa estante.

      "Inuutusan mo ko? Excuse me wala tayo sa hotel ngayon noh. Kaya hindi mo ko pwedeng utusan. And beside ikaw ang nakahulog sa mga yan. Kaya ikaw ang mag-ayos." Palabang sabi ni Cons.

       Natigilan sandali si Jerry. Pero napa-smirk ng makabawi."Is that how you treat your customer?" Jerry.

      "Hindi. Pero depende sa customer." Palaban padin na sagot dito ni Cons.

       "Customer is always right. Kaya ayusin mo nalang yan. Okay?" Naka-smirk pading sabi ni Jerry saka nilagpasan si Cons.

     "Hah! Asar!" Kahit naiinis pinulot nalang ni Cons ang mga panindang nagkalat. Habang masama ang tingin nya kay Jerry na nagbabayad na sa counter. At napataas ang kilay nya ng makita ang mga iba pang customer na nagkakagulo at hindi magkamayaw sa pagtingin at pagkuha ng litrato kay Jerry. "Ano sya? Artista? Bulag yata ang mga to eh." Iiling-iling na ipinagpatuloy nya nalang ang pag-aayos sa paninda.

          Pagkatapos nyang ayusin ang mga panindang nahulog ni Jerry. Hinarap nya nalang ulit ang mga deliveries dahil dumating na rin ang iba pa nyang hinihintay na supplier ng grocery store nila.

        "Tita, okay na po lahat?" Tanong ni Cons sa Tita nya na incharge sa kaha.

       "Oo. Okay na. Nabayaran ko na rin yung balanse natin sa supplier. Pero paano yung pambayad natin dito sa pwesto?" Nag-aalalang sabi ng Tita nya.

      "Ako na pong bahalang kumausap sakanila. Ipangdadagdag ko nalang yung sweldo ko sa pambayad natin. Papakiusapan ko nalang sila na medyo malelate ang payment natin." Cons.

      "Sige. Ikaw ng bahala. Ikaw na muna dito sa kaha. Lilinisin ko muna ang mga mesa sa labas. Nakakahiya naman sa mga customer natin na nauupo sa labas para kumaen." Palabas na sa may kaha ang Tita nya ng pigilan ito ni Cons.

        "Ako na po, Tita. Dyan nalang po kayo." Cons.

       "Sigurado ka? Off mo ngayon kaya magpahinga ka nalang."

        "Okay lang po. Ako ng bahala. Ako na pong mag-lilinis sa labas." Kinuha ni Cons ang panlinis saka lumabas na.

         May ilan kaseng mesa at upuan sa labas ng grocery nila para may mapwestuhan ang mga customer na gustong kumaen doon.

        "You own a business. Pero bakit ka pa nagtatrabaho sa hotel as chamber maid?" Jerry said na ikinagulat ni Cons.

       "Nandito ka pa?" Napahawak sa dibdib na tanong nya dito.

       "Obviously. Im still here." Saka tinungga ni Jerry ang hawak na juice in can. Nakaupo ito sa mesang nasa likuran ni Cons.

      "Wala ka bang trabaho sa hotel?" Tanong ulit dito ni Cons.

      "Im the boss kaya hindi ko kaylangan magtrabaho ng 24 hours. Eh, ikaw bakit ka nagtatrabaho sa hotel? Kahit may  negosyo naman kayo." Jerry.

       "Hindi ka makaget-over sa tanong mo enoh. Sige sasagutin ko na. Medyo nagkakaproblema ang grocery kaya kaylangan ko ng extra work. Satisfied, Sir?" Medyo sarcastic na sabi ni Cons.

      "I see. Bakit pa ko nagtaka. Forsure hindi ka marunong mag-manage ng maayos kaya nagkakaproblema ang negosyo nyo." Jerry.

      "Ano?!? Hah! Pasalamat ka marameng taong nakatingin satin ngayon. Dahil kung hindi baka makalimutan ko na boss kita at customer." Nakairap na sabi dito ni Cons saka inis na tinalikuran ang binata. "Asar! Ang yabang talaga."

             At hindi nya akalain na hanggang sa hotel kinabukasan ay extended parin ang paninira ni Jerry sa araw nya.

          "Sino ang naglinis sa kwarto ko?" Salubong ang kilay na tanong ni Jerry sa locker nilang mga staff ng hotel.

       "Tsk! Nagtanong pa. Eh, alam nya namang ako ang incharge sa kwarto nya." Murmur ni Cons.

       "May sinasabi ka Ms. Blanca?" Nakataas ang kilay na tanong ni Jerry looking at her.

        Napatingin kay Cons ang mga kasamahan nya.

       "Sabi ko sir, ako po ang naglinis sa kwarto nyo. May problema po ba?" Cons.

        "Meron. Marame. Kaya ulitin mo ang paglilinis don." Jerry.

        "Pero sir-." Hindi nya na natapos ang sasabihin dahil Jerry cut her off.

          "No buts. Linisin mo ulit yon ngayon din. At gusto ko pagbalik ko galing sa meeting ko, okay na ang kwarto ko." Masungit na sabi ni Jerry saka tumalikod na para umalis.

         "Bwisit! Bakit feeling ko pinag-iinitan nya ko?" Nakasimangot na reklamo ni Cons sa mga kasama.

         "Aja nalang cons. Kaya mo yan." Cheer sakanya ng isa nilang kasama.

       "Oo nga isipin mo nalang gwapo ang boss natin." Sabi ng isa pa.

      "At isa pa may access kang makapasok sa kwarto nya. Kaya ibig sabihin may chance kang may malaman about him." Dagdag ng isa pa.

       "Hay naku! Dyan na nga kayo. Wala akong balak na kilalanin sya noh." Cons said saka naghanda na para maglinis ulet sa kwarto ng boss nilang demanding.

       Pero napaisip sya ng mag-isa nalang sya.

        "Hmmm... Come to think of it. Pwede akong maghanap ng pwede kong gamitin laban sakanya. Hah! Humanda sya." Pumunta sya sa kwarto ni Jerry with a evil  smile.hehe....

A.N: Sorry lame. Lutang pa si Otor. More vacation please! Char.

     Vote and comments! Thanks.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon