Chapter 131: It's a Yes!

12 1 1
                                    

*****

       "Ahm..... Sweetie.... Ahmmm... Anu.... Sorry.... But it's a.... No????" Alanganin ang ngiting sabi ni Dewey sa nakaluhod sa harapan nyang si Russell. "Hahahahahahaha!" At bumunghalit sya ng tawa ng makita kung gaano ka-epic ang itsura ni Russell. Habang napasinghap naman sa shock ang mga kaibigan nila sa narinig.

        "Sweetie....." Teary eyes ng sabi ni Russell na nakaluhod parin.

       "Haha! Siyempre joke lang noh. It's a yes, Sweetie. Yes na yes!" Dewey.

        Napahinga naman ng malalim si Russell sa narinig. "Your so naughty, sweetie." Naiiling at nangingiting tumayo sya para isuot kay Dewey ang singsing. "Kamuntik na kong atakihin sa puso don ah. So, its a yes. Wala ng bawian."

        "Wala ng bawian. I will marry you, sweetie. Eeeeeee!!! Thank you!" Kinikilig na yumakap si Dewey kay Russell.

        "Guys, its a yes!" Baling ni Russell sa mga kaibigan habang yakap-yakap si Dewey.

        "Congratulations!!!!!" Sabay-sabay na bati ng mga ito.

        "Grabe ka, Dewey! Pinakaba mo kame dun ha." Heshin.

        "At ang reaction ni Russell? Super epic." Natatawang komento ni Kishy.

       "Oo nga dude. Para kang pinagbagsakan ng langit eh." Luke.

       "Mukhang binawian ka ni Dewey sa pang-jojoke natin sakanya na nananaginip lang sya kanina." Yvan.

       "Kaya nga eh. Kinabahan ako ng sobra. Pero thank you so much for helping me guys." Nakangiting sabi ni Russell na nakaakbay sa fiancee.

        "Infairness ang galing nyo ha. At girls.... Ang ganda ng sing-sing!!!." Tuwang-tuwang ipinakita ni Dewey sa mga kaibigan ang suot na sing-sing.

          "Ikaw na may boyfriend na CEO." Cons.

         "CEO din ako noh. Kaya kitang bigyan ng mas maganda at mas mahal na sing-sing." Hindi papatalong sabi ni Jerry.

        "Haha! Hindi papatalo si Kuya Jerry." Lyhmie.

        "Kaya nga eh. Saka ka na magyabang. Moment nila to eh." Sermon ni Cons dito.

        "Sabi ko nga eh." Jerry.

         "Haha! Ang bait ha. Ngayon na engage na kayo at soon to be married na.... Goodluck sayo Russell." Neshin.

         "Ui! Bakit naman ganun? Di ba dapat goodluck saken, friend?" Dewey.

        "Goodluck with the both of you." Leon.

        "Yun! Ganun dapat." Dewey.

         "Well, we have the whole engagement period para ihanda ang mga sarili namin." Russell.

        "Wow. Its seems na desidido ka na talagang magpakasal ha." Bryle.

        "Oo nga. Mukhang ayaw mo na talagang pakawalan si Dewey ha." Lizhen.

        "Siyempre naman. Ikaw ba Bryle papakawalan mo pa si Lizhen?" Russell.

       "Wala na kong balak pakawalan sya." Bryle said na ikina-tili ng girls. "But we have to take it slowly."

        "Wooh! Your the man, Doc Bryle!" Nakipag-fistbump dito si Yvan.

        "Grabe kayo! Lalanggamin na tayo dito. Kaya mabuti pa mag-dinner na tayo." Neshin.

        "Oo nga naman. Lets eat." Russell.

        "Wow ha. Gutom lang Neshin? Parang nag-snack pa tayo kanina lang ha." Heshin.

Rainbow FriendsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz