Chapter 10: Huli ka!

19 2 0
                                    

Lyhmie

         We are in this hotel again. Pero this time hindi para sa reunion kundi para sa meeting ni Ate with the producer na inalok sya ng recording contract.

        At dahil sa likas na mausisa ako and i love exploring. Nagpaalam ako kay ate na magrerest room lang ako. Pero ang totoo maglilibot ako sa hotel.

      Infairness ang ganda ng hotel na to ha. Nalibang ako sa pagtutour sa hotel. Ang alam ko dito na rin nagwowork si Ate Cons pero bakit hindi ko yata sya nakita. Sabagay baka busy yon. Mukhang may event na pinaghahandaan ang hotel.

         Huh?

       Why I have this feeling na may nagpaflash na namang camera? Wala naman kame sa pictorial ni ate.

      Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala naman akong nakitang may hawak na camera.

     Tsk! Baka guni-guni ko lang yon. Medyo matagal na kong nawawala baka hanapin na ko ni Ate. Kaya i decided to go back sa restaurant.

      Nagulat ako ng makita ko si Ate na kumakanta sa stage.

     "Wow! Ano to free show? Impronto performance?" Di ko napigilang ibulalas.

      Nag-stay na muna akong nakatayo doon sa may pinto hanggang matapos ang performance ni ate. I saw her na bumalik sa table namin. May sumalubong sakanyang lalake.

     "Who's that guy?" Tanong ko kahit wala naman akong kausap.

     Napatingin sa kinaroroonan ko si Ate and she smiled at me. Nginitian ko rin sya at nag-thumb up ako sakanya.

      Nakita kong nagsalubong ang kilay nya at ng sundan ko ng tingin ang tinitignan nya.... May nakita akong lalakeng nakatayo doon at may hawak na camera.

     Wait! Camera?

      Mabilis akong naglakad palapit don sa lalakeng may hawak na camera. At nang makita ko na nagmadali syang tumalikod at naglakad paalis. Nakumpirma ko na ang hinala ko. I just need to see that camera.

     Tumakbo na ko para maabutan ko sya. Narinig ko na tinawag ako ni ate pero hindi ko sya nilingon. Kaylangan kong maabutan ang lalakeng yon.

      At nang makalapit ako sakanya, hinatak ko ang braso nya para makaharap sya saken.

    "Hey! Patingin nga ng camera mo!" I said to him.

    "Excuse me, Miss?" Kunot ang noong sabi nito.

   "I said patingin ng camera mo." Inilahad ko ang kamay ko sakanya habang nakakapit sa braso nya ang isang kamay ko. Baka takbuhan nya ko ulit.

    "Do i know you, Miss? Anong problema? Bakit gusto mong makita ang camera ko?" Tanong ulit nito.

    "Just let me see your camera! Okay?" Iritable ng sabi ko.

     "Sorry. But this is my personal thing. And i dont have a plan on showing this to stranger." Hinawakan nya ang kamay ko na nakahawak sa kamay nya saka ako tinalikuran.

    Hah! Ang tigas ng ulo nya ha. Ginagalit nya ko eh. Humanda sya saken.

        "Wait!" Sigaw ko pero hindi sya huminto. Nakalayo na kame sa restaurant."I said wait!" Mukhang wala syang balak na tumigil kaya tumakbo na naman ako para maabutan ko sya.

     At nang maabutan ko sya walang sabi-sabing hinila ko ang camera nya.

    "Hey!"

      Wala akong pakealam kung nakasuot ito sa leeg nya kaya nahila ko din sya palapit.

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now