Chapter 149: Signs

15 1 1
                                    


*****

         "Pwede ba guys! Nasusuka na ko dyan sa mga pinag-uusapan nyo, kanina pa ha." Reklamo ni Neshin sa mga kasama.

        "Wow ha. Kaylan naging nakakasuka ang sweetness ng mag-jowa?" Cons.

      "Oo nga. Tsaka dapat kinikilig ka sa kwentuhan namin about our sweet moments with our boyfie noh." Kishy.

      "At bakit ba ang sungit mo? Kinancel ko yung date namin dapat ni Yvan para pumunta dito. Tapos susungitan mo lang kame?" Yumie.

      "Hindi ko kaya sinusungitan noh. Naiirita lang kase ako." Neshin.

     "Haha! Ganun na rin yon, Ate Neshin. Tsaka bakit ka ba niirita? Ikaw nga ang nagpapunta samen dito sa hotel eh."  Lyhmie.

     "Tama! Kaya deal with us dapat. Wala pa si Heshin at Dewey sa lagay na to ha." Kishy.

      "Sorry. Ewan ko ba. Naiirita ko kapag naiingayan ako eh." Iritableng sabi ni Neshin.

     "Sus! Samantalang nangunguna ka nga sa pagtili kapag nagkukwentuhan tayo about sa lovelife di ba?" Cons.

     "Kaya nga. Wait! May utang ka pang kwento samen, remember?" Yumie.

     "Oo nga noh? It's been a weeks now since naging okay kayo ni Leon di ba?" Lizhen.

    "At wala ka pang kwento kung paano kayo nagkabati, Ate." Lyhmie.

     "Eeeee!!! Kaexcite malaman! Paano nga ba kayo nagkabati?" Kishy.

      "Ha? Ahm... Pwedeng change topic nalang?" Namumula ang mukhang pag-iwas ni Neshin.

       "Ui! Hindi pwede noh! Magkwento ka naman." Yumie.

      "Kahit pahapyaw lang. Kahit hindi na detalyado." Lizhen.

      "Sige na! Wag kang madamot." Cons.

       "We are waiting, Neshin..." Nakangising sabi ni Kishy.

      "Kase naman eh! Oo na!" Napipilitang pagpayag ni Neshin. Napapalakpak naman ang mga kaibigan nya.

      "Ganito  kase yon... Last-last week may business conference syang pinuntahan sa singapore di ba?" Napatango lang ang mga attentive na nakikinig sakanya. "Isinama nya ko doon and..." Neshin paused.

      "And what?" Kishy.

      "Wag ka ng mambitin." Reklamo ni Cons.

     "Haha! Oo nga, Ate." Lyhmie.

      "Mga excited? Yun nga isinaman nya ko sa singapore. Overnight lang dapat kame doon. Pero na extend ng one day. Tapos bago yung flight namin kinabukasan...nagpaset-up sya ng candle light dinner sa hotel room namin. And he said sorry sa inasal nya. And then nakwento nya saken kung bakit sya threathen dun sa Xander na yon. Ayon, okay na kame pagbalik namin dito sa Pinas." Mahabang kwento ni Neshin.

      "Bakit feeling ko...may hindi ka pa naikwento samen?" Nakataas ang isang kilay na sabi ni Yumie.

     "Yun na yon noh!" Nag-iiwas ng tingin na sabi ni Neshin.

      "Oo nga. Parang meron pa eh." Lizhen.

     "Ikwento mo na!" Cons.

      "Tse! Yun na yon. Wala na kong ikukwento. Pinapunta ko kayo dito kase nabuburyong ako dito sa hotel. Hindi para gisahin ako noh!" Neshin.

      "Kung nabuburyong ka dito sa hotel, bakit nandito tayo? E, di sana lumabas nalang tayo." Kishy.

      "Tinatamad akong lumabas eh." Neshin.

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now