Chapter 86: Jerry's Rebelation

18 2 1
                                    

"Ano?!? Bakit ako?!?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cons sa supervisor nila.

"Why not you, Ms. Blanca? And besides na-assign ka na doon dati. Kaya mas mabuti na kung ikaw ang ipapadala ulit ngayon para maglinis ng condo ng isa sa mga boss natin." Supervisor.

"Pero pwede rin naman yung iba di ba? At tsaka may gagawin ako dito sa hotel ngayon eh. Sa kitchen ako naka-assign ngayon dahil kulang daw ng tao dun ngayon." Cons.

"Dont worry about that. Kame na ang bahalang gumawa ng paraan don, Ms. Blanca. Pumunta ka nalang sa condo ni Sir Jerry, okay?" Supervisor.

"Pero Maam...." Cons.

"Just go Ms. Blanca." Her supervisor said with finality saka iniwan si Cons.

"Maam! Naman eh! Bakit ako pa? Huh? Alam ko na! Si Neshien! Tama. Hihingi ako ng tulong kay Neshien." Sa naisip halos tumakbo na sya papunta sa kaibigan.

Pero....

"Neshein!" Tawag ni Cons sa kaibigang tamang-tamang napadaan naman sa may lobby na kinaroroonan nya. Pero hindi sya niyo nilingon. Napatingin muna sya sa paligid saka sumigaw ulit. "Maam Neshien." Pero hindi parin sya pinansin ng kaibigang tuloy-tuloy lang na naglakad paalis. "Anong problema nun? Bakit parang wala sya sa sarili?" Tanong nalang ni Cons sa sarili.

"Cons! Magbihis ka na. Hinihintay ka na ng maghahatid sayo sa condo ni Sir Jerry." Tawag kay Cons ng isa sa mga kasamahan nya.

"Oo na! Ito na kikilos na! Nakakainis! Bakit ba lagi nalang ako ang pinapain nila sa dragon?" No choice na sumunod nalang si Cons.

*****


"Nakakainis! Bakit hindi nalang sya magbayad ng tagalinis? Bakit kaylangang sa hotel pa sya kumuha ng maglilinis ng condo nya? At bakit ako pa! Kaasar talaga!" Hindi maipinta ang mukhang reklamo parin ni Cons habang hinihintay na marating ng elevator ang floor ng condo ni Jerry.

Nang huminto ang elevator hindi parin maipinta ang mukhang lumabas sya at naglakad papunta sa condo ni Jerry. At dahil ibinigay na sakanya ang keycard dumiretso na sya ng pasok sa loob.

"Sir Jerry?Nandito na po ako, kamahalan." Tawag nya sa binata ng makapasok na sya sa condo nito. "Huh? Nasan naman kaya yon? Dont tell me nasa kwarto pa sya at natutulog?" Lumapit sya sa pintuan ng kwarto nito and she is about to knock ng may maalala sya. "Hindi. The last time na pumasok ako sa kwarto nya masama ang nakita ko. Mamaya nakatapi lang na naman sya ng tuwalya eh. Mabuti ng safe. Dito nalang muna ako maglilinis at hihintayin ko nalang syang lumabas ng kwarto nya. Tama. Ganun nalang." Tatango-tango sa sariling sabi ni Cons saka nya sinimulang linisin ang living room ng condo ni Jerry.

Actually hindi naman makalat o maduming masyado kaya naisip nya na baka nagpapower trip lang na naman ang isa sa mga boss nila.

Nasa kusina na sya ng maramdaman nya ang presensya ng boss. At nakahinga sya ng maluwag ng makitang nakadamit naman ito ng maayos.

"Kanina ka pa dito? Bakit hindi mo man lang ako kinatok sa kwarto to let me know na nandito ka na?" Jerry na mukhang kakagising lang.

"Naisip ko kase Sir na baka natutulog ka pa. Kaya dito muna ako naglinis. At mukha namang tama ako. So, paglulutuin mo ba ko ng breakfast mo o lunch na?" Cons.

"No. Pakilinis nalang yung kwarto ko. Ako nalang ang maglilinis." Jerry.

"Okay. Kayo ang masusunod." Tumalikod na si Cons para pumunta sa kwarto ng binata. "Himala hindi sya nagsungit." Pabulong na sabi ni Cons habang paalis.

"Wala po, Sir. Sige maglilinis na po ako ng kwarto nyo." Alanganin ang ngiting sagot nya dito saka sya nagmamadaling pumunta sa kwarto nito.

Naiwan naman si Jerry sa kusina na nagtimpla muna ng kape saka nag-umpisa ng magluto.

Habang si Cons sa kwarto ng binata....

"Grabe! Sa labas lang pala hindi gaanong makalat. Pagdating dito sa kwarto nya parang dinaanan ng bagyo. Kaloka!" Napahawak sa noong inilibot ni Cons ang paningin sa loob ng kwarto ni Jerry. Saka sinimulang linisin ito.

Nang matapos sya pasalampak na napaupo nalang sya sa sahig sa sobrang pagod.

Meanwhile sa kusina....

"What we're you thinking, dude? Hinayaan mo na magkalat sa kwarto mo kagabi sila Yvan tapos pinapunta mo dyan ngayon ang isa sa mga part time natin para paglinisin?" Leon said na kausap ni Jerry sa phone.

"Ginawa ko yun para matagalan sya sa paglilinis. Para makapagprepare ako." Jerry na kumikilos sa kusina habang kausap sa phone ang kaibigan.

"Makapagprepare for what?" Leon.

"None of your business, dude. Eh, ikaw what we're you thinking sa eksena nyo ng asawa mo kahapon? I saw you may paback hug ka pang nalalaman." Jerry said smirking.

"I just did that to show to Sidney and Mom na in good terms kameng mag-asawa. Naghihinala na kase si Sidney." Leon explained.

"Hindi mo naman sya ininform mukhang nashock tuloy ang asawa mo sa sweet gesture mo. And seriously hindi bagay sayo, dude." Tumatawang sabi ni Jerry.

"Whatever! Ibalik mo na sa hotel si Ms. Blanca." Napipikong sabi ni Leon.

"Haha. Chill dude. Ibabalik ko sya after ng mga plano ko. Bye may tatapusin pa ko." Jerry ended the call saka tinapos ang ginagawa.

Sakto namang tapos na sya ng lumabas mula sa kwarto nya si Cons.

"Tapos na po. Malinis na po ang kwarto nyo na parang dinaanan ng ipo-ipo, Sir." Sarcastic na sabi dito ni Cons.

"Good. Let's eat." Jerry.

Saka lang napansin ni Cons ang ayos ng dinning ni Jerry.

Nakaset-up ito for special dinning.

"Wow! Anong meron?" Cons.

"Maupo ka nalang." Jerry.

"Sorry, Sir. Pero sa hotel nalang po ako kakaen. Para hindi na rin magulo yang ini-arrange nyong lunch para sa date nyo. Alis na po ako." Tumalikod na si Cons at naglakad na papunta sa pinto pagkakuha sa mga gamit nya na nasa sofa. "Huh?" Natigilan sya at nahigit nya ang paghinga nya sa sunod na ginawa ni Jerry.

"Wag kang umalis. I prepare this for us. For you." Seryosong sabi ni Jerry na niyakap si Cons from the back.

"A-Ano?!?" Hindi makapaniwalang tanong ni Cons.

"Have lunch with me." Jerry.

"B-Bakit? A-Anong ibig sabihin nito? Prank ba to, Sir?" Cons.

"No. This is not a prank. Actually i prepare this dahil may sasabihin ako sayo." Jerry na nakayakap parin kay Cons.

"A-Ano yon?" Kinakabahang tanong ni Cons.

"Can we eat lunch first?" Jerry.

"No. Sabihin mo na." Kumakabog ang dibdib na sabi ni Cons.

"Okay. I like you." Diretsong sabi ni Jerry.

At para namang nabingi si Cons sa narinig mula sa binata.

"I really like you." Sabi pa uli ni Jerry.

Feeling ni Cons huminto ang mundo nya dahil sa sinabi ni Jerry.

A.N: Continuation. Napublish ko kase ng hindi pa tapos.

Vote and comment. Thanks!

Josahannbercasio.

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now