Chapter 8: The Boss

21 2 0
                                    


A.N: Nacoconfuse ako kung third person o first person pov gagamitin ko.haha. So, bear with it! Ciao!

Neshein

            Hay... Nakaka-stress naman today. Bukod sa marameng guest kaya busy ang hotel, nasabay pa sa audit at inventory ng supplies. Sabayan pa ng pag-absent ng ilan sa mga staff ng hotel. Kinailangan tuloy namin na mag-straight shift.

         Feeling ko bukod sa haggard na ko, bibigay pa ang katawan ko sa pagod.

     "Neshein, are you okay? Kaya mo pa ba?" Tanong ng kasamahan kong si Faith.

      "Kaya pa naman. Wala naman akong choice di ba? Bakit kase nagkasabay-sabay pa ng absent yung iba saten." Sagot ko sakanya habang busy ako sa pagtatype sa computer sa harapan ko.

    "Oo nga eh. Emergency daw kasi eh. Alam mo na hindi naman nila ginusto na magkasakit di ba." Faith.

    "Oo. Pero mukhang tayo naman ang magkakasaket. Isasabay pa ng mabait nating boss yung event na yan." Malakas ang loob na reklamo ko. Kahit posibleng may makarinig.

      "Haha! Ang taklesa mo talaga. Hindi ka ba natatakot na marinig ka ng boss natin?" Faith.

     "Psh! Yung boss natin na hindi nagpapakita saten mula ng pumalit sya sa daddy nya bilang CEO? Nacucurious tuloy ako kung ano ang itsura nya." I said na sa computer parin nakafocus.

     "Sabi sya daw mismo ang nag-interview sa mga bagong applicant ah." Faith.

     "Talaga? Hindi saken nabanggit ng kaibigan ko ha. Machika nga yon. Iniisip ko kase baka nahihiya sya sa itsura nya kaya ayaw nyang magpakita." Malakas ang loob namin na magchikahan dahil sa ganitong oras walang masyadong tao dito sa may reception.

      "Malay mo naman gwapo din tulad ng daddy nya noh. Kahit matanda na yun si Boss halata na gwapo nung kabataan nya. Kaya posible na gwapo din ang anak nya." Faith.
   
     "Malay mo naman ampon." Insist ko parin. Naiinis kase ako dahil mula ng pumalit sya sa dating CEO naging pahirap na sya sa buhay namin. Dahil napaka-perfectionist nya. Ultimo mga beddings at kaliit-liitang detalye sa hotel ini-inspect nya.

          Huh? Bakit hindi na sumagot si Faith.

       
     Nagtaka ako kung bakit ang tahimik na nya kaya napa-anggat ako ng tingin para tignan sya. Nanlake ang mata ko at napanganga ng makita kong may lalakeng nakatayo sa harapan namin.

     Seryoso syang nakatingin samen. Habang si Faith nakatulala sakanya.

     Problema nito? Wait! Pamilyar sya ha.

     "Is that how your superior train you? Hindi ba nila naituro sainyo na, it's wrong to talk behind your boss back." Masungit na sabi ng lalake.

      Teka ang yabang naman yata nito. At ano namang pakealam nya kung pag-usapan namin ang boss namin? Behind his back.Pakialamero.

        "Pasensya na po Sir narinig nyo ang hindi magandang usapan namin." Nahihiyang sabi dito ni Faith.

      "Pero hindi nyo naman po kame masisisi kung pag-usapan namin sya eh." Naramdaman komg siniko ako sa tagiliran ni Faith pero di ko sya pinansin."Mula ng i-appoint sya bilang bagong CEO hindi pa sya nagpapakita samen tapos kung anu-anong pagpapahirap na ang ginawa nya samen." I said it habang nakatingin ng diretso sa nakasimangot nyang mukha.

     "Pagpapahirap? Yun ba ang tawag nyo sa pagganap nyo sa mga trabaho nyo? Dahil forsure hindi naman nya ipagagawa kung hindi nyo trabaho ang inuutos nya hindi ba?" Sagot nito na seryoso parin ang mukha.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon