Chapter 151: Cravings

19 1 2
                                    

*****

        "How about, magsabay-sabay tayo sa pre-nup photos natin?" Yumie.

       "Pwede naman. Kaso baka may iba-iba tayo location at theme na gusto." Dewey.

      "Sabagay." Yumie.

      "E, di  tayong mga bride nalang muna." Kishy.

      "Pwede rin. Parang all girls photohoot muna." Heshin.

      "Good idea! Tapos isabay na rin natin yung para sa mga brides maid ko." Lyhmie.

      "Well, i-schedule natin yan. Dahil yung mga sundo nyo ayan na." Neshin.

      "Ayan na pala yung kargador ng grocery store namin." Cons joked.

     "Haha! Kawawang Jerry. Ginawa mo talaga syang tagabuhat?" Lizhen.

     "Oo. Para may pakinabang sya tuwing tatambay sya dun di ba." Cons.

     "Haha! Isipin nya nalang na nagwe-weights sya." Dewey.
     
      "Ganun na nga. Pano gorabels na kame ha. Byie, buntis." Yumie na bumeso na kay Neshin.

      "Bye! Ingat kayo. And enjoy sa may mga date." Neshin.

      "Naku! Ako work, work, work." Dewey.

     "Haha! Okay lang yan, Dewey." Heshin.

      "Goodluck sa pagpapahirap kay Kuya Leon." Lyhmie.

       "Naku! Goodluck talaga kay Leon." Lizhen.

       "Actually, kanina pa ko nagki-crave sa atis na walang buto eh. Bye na! Magpapabili ako kay Leon." Neshin said na iniwan na sila para magpunta sa office ng asawa.

      "Atis na walang buto? Meron ba nun guys?" Kunot noong bumaling si Kishy sa mga kasama.

      "Kawawang Leon." Naiiling na komento ni Dewey.

      Natatawang nagpaalam na rin sila sa isat-isa. At sumama na sa mga sundo nila.

*****

        "What else do you want?" Poker face na tanong ni Leon kay Neshin.

      "Hmmm... For now? Wala pa. Buti nakahanap ka ng atis na walang buto. Thank you!" Tuwang-tuwang patalong yumakap si Neshin kay Leon.

      "Hey! Be careful." Nag-aalalang saway ni Leon sa asawa.

       "Wag kang mag-alala. Makapit tong baby natin noh." Neshin.

      "Kahit na. Be careful okay? I dont want you to get hurt and our baby." Leon said saka masuyong hinawakan ang tyan ni Neshin na medyo nahahalata na ang umbok.

      "Yes, daddy! Teka... parang may gusto akong kainin..." Nakangising sabi ni Neshin.

     "What?!? Ni hindi mo pa nakakaen yang mga atis ah." Leon exclaimed.

      "Gusto ko ng soju." Nakapout na sabi ni Neshin.

      "What?!? No way! You can't drink. Your pregnant. That's bad for our baby." Kunsuming sabi ni Leon.

      "Hindi nga. Kaya ikaw ang iinum for me. Papanoorin lang kita. Habang kumakaen ako ng atis na walang buto. Please..." Pang-uuto pa ni Neshin sa asawa.

      "Hay.... Fine. I'll ask my secretary to buy soju." Napahinga ng malalim si Leon saka tinawagan ang secretary nito.

      "Yehey! Thank you!" Tuwang-tuwang napapalakpak naman si Neshin.

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now