Chapter 28: Tameme si Neshien.

16 2 0
                                    

          

      "Goodmorning, Neshien!" Bati ng mga katrabaho ni Neshien na nasa front desk ng hotel.

      "Goodmorning!" Ganting bati nya sa mga ito.

      "Namimiss ka na namin dito sa frontdesk ha." Caira.

      "Actually, namimiss ko na din dito eh." Neshien.

      "Hindi ka ba nag-eenjoy maging secretary ng gwapo nating boss?" Trey said ang paminta nilang kasama sa frontdesk.

       "Oo nga. Ang swerte mo nga eh. From frontdesk na-promote ka as secretary ng CEO." Hailey.

      "Hindi lang basta CEO. Kundi hot CEO." Trey.

       "Hindi ako natutuwa noh. Anu naman kung hot sya? Ang hirap kayang maging secretary nya noh! Mas enjoy dito sa frontdesk." Neshien. "What?" Tanong nya sa mga kasama ng makita nyang nanlaki ang mga mata nito. Then sumenyas sa likuran nya. At bago pa sya makalingon sa likuran nya narinig nya na ang boses ng boss nya.

         "Gusto mo bang bumalik dito sa frontdesk Ms. Neshien?" Seryosong tanong ni Leon na nakatayo na pala sa likuran ni Neshien.

        "Goodmorning, Sir!" Sabay-sabay na bati ng mga kasama nya sa boss nila.

       "S-Sir.... G-Goodmorning. K-Kanina ka pa dyan?" Alanganin ang ngiti at nabubulol na bati at tanong dito ng dalaga.

       "Long enough to hear your sentiments." Seryoso paring sabi ni Leon.

       "Ahm.... S-Sir.... Magpapaliwanag po ako." Neshien.

       "Just follow me in my office and bring me a coffee." Saka sila tinalikuran ni Leon para pumunta ng elevator. Naka-pangjogging na outfit ito. Kaya siguro galing ito sa labas.

       "Y-Yes, Sir." Nakayukong sagot ni Neshien saka binalingan ang mga kasama. "Bakit hindi nyo ko sinenyasan agad!" Pabulong na sita nya sa mga ito.

      "Nabigla din kame sa bigla nyang pagsulpot noh." Caira.

      "Nakakainis!" Neshien.

      "Lambingin mo nalang." Nakangising suggest ni Trey.

       "Ano kaya lagyan mo ng gayuma yung coffee nya." Natatawa ring sabi ni Hailey.

      "Tse! Dyan na nga kayo!" Narinig nya pang tumawa ang mga ito. Pinag-sisisihan nyang dumaan pa sya at nakipag-kwentuhan sa mga ito. Paano nya ngayon haharapin ang boss nya? Palaban sya. Pero boss nya parin yon. Hindi nya naman gustong mawalan ng trabaho noh.

          Pagkarating nya sa floor kung nasaan ang office ng boss nya, dumiretso sya pantry para ipagtimpla ito ng kape saka sya pumunta sa office nito.

        Kumatok muna sya sa pinto bago pumasok dito. "Sir...." Tawag nya pero walang sumagot kaya nagtuloy na sya sa pagpasok sa loob ng opisina nito. "Nasaan naman kaya yon? Ay, palaka!" Nagulat sya ng mag-ring ang phone sa mesa nito. Lumapit sya at sinagot ang tawag. "Hello...."

         "Bring my coffee here in my room. And bring my  breakfast na rin." After saying that nawala na sa linya si Leon.

       "Ok- ." Hindi na naituloy ni Neshien ang sasabihin sa boss. "Hah! Hindi man lang ako hinintay makasagot. Okay. Secretary duty. Dalhan ng almusal sa kwarto nya ang boss ko." Dala parin ang kape lumabas na sya ng opisina ng boss at nagpunta sa kitchen ng hotel para personal na kunin ang almusal ng boss.

         After a few minutes nasa elevator na sya paakyat sa kwarto ng boss dala ang almusal nito.

       Kumatok sya ng tatlong beses saka binuksan ang pinto at pumasok kwarto ng boss.

       "Sir.... Nandito na po ang coffee at breakfast nyo." Tawag ni Neshien sa boss habang inaayos sa mesa ang almusal ng boss.

       Maya-maya narinig nya na palapit ito. Nakayuko sya habang inaayos ang almusal nito. Kaya nag-angat sya ng tingin ng maramdaman ang paglapit nito. At hindi nya inaasahan na ang makikita. Kaya napangnga nalang sya.

         "Just leave it there. And prepare the conference room for the meeting." Leon said habang nagpupunas ng basang buhok.

       Katatapos lang nitong mag-shower kaya naman nakatapis lang ito ng tuwalya. Meaning topless ito.

       "Ms. Neshien?" Kunot ang noong pukaw nito sa tulalang dalaga. "Hey!"

       "S-Sir?" Wala sa sariling tanong ni Neshien kay Leon.

        "Are you okay, Ms. Neshien?" Tanong ni Leon dito.

        "Ha? I-I mean yes, Sir! A-Ano po ulit yung sinabi nyo?" Iniiwas nya nya ang tingin sa topless nyang boss.

       "I said prepare the conference room." Leon.

      "O-Okay, Sir." Neshien.

      "Are you sure na okay ka lang? Wala ka bang lagnat? Namumula ka eh." Leon.

       Napahawak si Neshien sa pisngi nya dahil sa sinabi ng boss.

       "Ofcourse not! Napakapal lang po siguro ang blush on ko. Sige po, aalis na po ako." Saka natatarantang kumilos si Neshien. Paalis na sya ng pumihit sya paharap ulet sa boss. "Ahm... Sir, about po dun sa narinig nyo kanina." Neshien said avoiding na mapatingin sa abs ng boss.

        "Forget it." Leon.

        "O-Okay, Sir. Sige po lalabas na po ako." Nagmamadali na syang lumabas ng kwarto ng boss saka napasandal sa pinto pagkasara nya dito. "Wooh! Grabe. Nakahinga din. My gosh! I can't believe this! Natameme ako sa harap nya? Hah!" Nang makabawi na sya ng lakas naglakad  na sya papunta sa elevator habang hindi padin makapaniwalang kinakausap ang sarili. "Tama ba naman kaseng humarap sa secretary nya ng nakatapis lang ng tuwalya? Hindi man lang muna sya nagbihis. Kahit na ba kwarto nya yon. Alam nya naman na darating ako ah. My gosh! Pero paano ba namang  hindi ako matatameme? Grabe my abs sya...." Wala sa sariling napahawak pa sya sa puso nya na mabilis ang tibok.

         "Bakit ka natameme ka? At sinong may abs?" It's Cons na nasa likod na pala ni Neshien na papasok din ng elevator.

       Nanlalake ang mga matang napatingin sya dito.

       "Cons?!? Kanina ka pa?" Neshien.

       "Let me guess.... Nakita mo siguro na topless ang boss mo noh?" Pang-asar ang ngiting tanong ni Cons sakanya.

      "H-Hindi ah!" Pag-dedeny ni Neshien na pailing-iling pa. Nagmamadali syang pumasok sa elevator.

      Sumunod naman si Cons."Sinong niloko mo? Eh, galing ka dun sa kwarto nya. Ano, hot ba?" Panunukso parin ni Cons.

      "Tse! Tumigil ka nga! Kasalanan nya eh! Bakit kase hindi muna sya nagbihis eh!" Naiinis na sabi ni Neshien.

     "Achuchu... Ayaw mo nun? Nasilaw mo ang abs ng boss natin." Cons.

       "Heh! Wala akong nakita. Wala. Wala. Wala! Aahhhh!!!! Kainis!" Frustrated na sigaw ni Neshien.

       "Hahaha!" Halakhak naman ni Cons.

      Buti nalang sila lang ang nasa elevator sa mga oras na yon.

           Samantalang sa kwarto ni Leon....

         "Tsk! Abs ko lang pala ang magpapatameme sakanya eh." Napapangising sabi ni Leon sa sarili habang nag-aalmusal.

      

A. N: Naughty Leon.

      Vote and comment. Thanks!

      Josahannbercasio.




      

Rainbow FriendsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant