Chapter 135: Paranoidmuch?

13 1 0
                                    

*****

         "Sila na talaga ang viral couple of the year." Comment ni Heshin pagkatapos nilang makita ang nagkalat na pictures at video nina Yumie at Yvan.

       "Nakakaasar na nga eh. Binabash si Yumie ng mga fans ng babaeng yon." Iritableng sabi ni Dewey referring sa leading lady ni Yvan.

      "Wag nyo nalang patulan mga Ate." Lyhmie.

       "Anu pa nga ba? Maiistress lang tayo kung papatulan natin ang mga bashers na yan. Mabuti nalang nag-deactivate ng mga accounts nya si Yumie." Neshin.

      "It's been days na mula ng umalis si Yvan. Kinausap na ba sya ni Yumie?" Lizhen.

      "Nung magkasama kame nung isang araw iniignore nya ang tawag ni Yvan eh." Cons.

      "Naku! Pumapabebe ang kaibigan natin. Di ba dapat mas kausapin nya si Yvan from time to time, para mabantayan nya?" Dewey.

      "Hmmm... Hindi naman natin sya masisisi eh. Umalis si Yvan na hindi sila okay. Feeling nya mas pinili ni Yvan ang career nya at ang babaeng yon." Heshin.

      "Sabagay. Kahit ako magagalit talaga ko eh. Lalo nat may babaeng involve." Lyhmie.

      "Hayaan nalang muna natin si Yumie. Magiging okay din yung dalawa." Cons.

      "Sana nga maging okay na sila. Kaya lang sinusubsob nya sarili nya sa trabaho." Lizhen.

      "Eh, kung yayain natin sya mag-sleep over? Dito sa hotel. Bukas ipapareserve ko yung Royal suite." Neshin.

      "Wow! Sosyal! Gusto ko yan." Excited na react ni Dewey.

     "Tapos ayain nating mag-face time si Kishy." Heshin.

     "Iba na talaga ang maging asawa ng may-ari ng hotel." Cons.

      "Tse! Ang tanong payagan kaya kayo ng mga jowa nyo?" Tanong ni Neshin sa mga kasama.

      "Of course, Ate. Kila Mamita ako dapat magpaalam." Lyhmie.

      "Ako, maaga ang duty ko bukas kaya after ng duty ko, pwede na ko sa sleepover na yan. Ako ng bahala kay sweetie." Dewey.

     "Wow! Confident much ha? Well, goodluck sa ating sosyal na sleepover bukas." Lizhen.

      "Excited na ko." Cons.

      "Me too. Pero dapat maconvince natin si Yumie na sumama." Heshin.

      "Goodluck, guys. Galingan nyo ha." Neshin.

       Excited na silang lahat sa sleepover nila. Pero maisama nga kaya nila si Yumie? At payagan nga kaya sila ng mga boyfie nila?

      Bago ang sleepover nila sa hotel.... May mapaparanoid.

     

      "What's with the face, Dewey?" Natatawang tanong ni Hazel co-nurse ni Dewey sa ospital. "Kanina lang ang jolly mo, kase excited ka sa sleepover nyo mamaya ha."

      "Psh! Sinisira nya ang araw ko." Sagot ng kanina pa nakasimangot na si Dewey.

      "Sino namang sumisira ng araw mo? Pasyente? Si headnurse? Sino?" Kunot noong tanong ulit ni Hazel.

      "Si Russell. Kagabe ko pa sya tinatawagan hindi nya sinasagot. Pati mga chat and messages ko sakanya, dedma." Hindi maipinta ang mukhang kwento ni Dewey habang sinasalansan ang mga record ng pasyente.

       "Asus! Kaya naman pala. Baka naman busy lang. Alam mo namang businessman ang fiance mo noh." Hazel.

     "Kahit naman busy sya, he see to it na mabibigyan nya ko ng oras eh. Tsaka Im not demanding so much time. Kaylangan ko lang syang makausap para makapagpaalam ako sakanya, about dun sa sleepover." Dewey.

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now