Chapter 110: #Relationship Goals👫

27 2 2
                                    

*****

         "S-Seryoso?!?
M-Magbabakasyon talaga tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Neshien kay Leon ng iabot sakanya nito ang plane tickets nilang dalawa.

       "Obviously. Hawak mo na nga ang plane tickets natin di ba?" Sarcastic na sabi ni Leon.

     "Psh! Sabi ko nga eh." Napaingos na sabi nalang ni Neshien.

      "Kaya umuwi ka ng maaga  mamaya. Ayusin mo ang mga gamit na kaylangan nating dalhin sa biyahe." Leon said habang pinipirmahan ang mga papeles na nasa harap ng mesa nya.

        "Asawang-asawa lang ang peg ko ha." Pabulong na sabi ni Neshien.

      "May sinasabi ka?" Napa-angat ng tingin sakanya si Leon.

      "W-Wala. Sabi ko nga mag-eempake na ko mamaya ng mga gamit natin eh. Ahm.... Ilang araw ba tayong mawawala?" Neshien.

       "Two weeks." Leon.

       "S-Seriously?!?" Mas lalong hindi makapaniwalang tanong ni Neshien.

      "Yeah. Im serious. Lilibutin natin ang Europe for two weeks. Kaya siguraduhin mo na wala kang makakalimutang iempake." Leon.

       "Wow! Lilibutin natin ang Europe?!?" Shock parin na tanong ni Neshien.

       "I'll take this oppurtunity para makahanap ng possible location ng hotel sa Europe. Kaya i need you there to help me." Leon na nasa mga papeles na ulit ang atensyon.

         "Psh! Akala ko pa naman purely vacation lang." Napaingos ulit na murmur ni Neshien.

        "Would you say it loud para marinig ko yang binubulong-bulong mo dyan?" Magsalubong ang kilay na sabi ni Leon.

       "Hehehe... W-Wala yon. Sige babalik na ko sa trabaho ko para makauwi ako ng maaga." Alanganin ang ngiting sabi ni Neshien saka tinalikuran na si Leon at lumabas ng opisina nito.

      Nagpatuloy naman si Leon sa pagpirma sa mga papeles.

        Saktong paglabas ni Neshien ng opisina ni Leon ay nakita nya si Cons na parang walang nakitang linagpasan lang sya.

        "Ay? Invisible lang ang peg ko? Hoy, Cons!" Tawag ni Neshien sa tulalang kaibigan habang tulak-tulak nito ang mga panlinis na dala.

        "N-Neshien? Nandyan ka pala." Cons na natauhan sa pagkakatulala.

       "Wow lang ha. Anong drama yan? May natutulala ka pang nalalaman dyan ha." Nakapamewang na sabi ni Neshien.

       "Psh! May iniisip lang ako noh." Cons
  
       "Talaga lang ha. If i know namimiss mo lang si Sir Jerry. Kasi mag-iisang linggo na mula ng makabalik na hindi sya nagpapakita dito sa hotel." Neshien.

      "Hoy! Excuse me lang ha! Bakit ko naman mamimiss yun anoh!" Palag ni Cons.

     "Malay mo naman gusto mo na rin sya. Indenial ka lang." Nakangising sabi ni Neshien sa kaibigan.

        "H-Hoy! Hindi ah!" Cons.

        "Oo nalang Cons. Dyan ka na nga marame pa kong gagawin." Nilagpasan na ni Neshien ang kaibigan saka nagpunta sa table nya sa di kalayuan sa office ni Leon.

        "H-Hindi ko sya namimiss noh!" Pahabol pa na sabi ni Cons pero ngitian lang sya ng pang-asar ng kaibigan kaya umalis nalang ito pagkatapos irapan ang kaibigan.




*******

            "Salamat talaga sa pagsundo sa anak ko ha. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kanina. Ngayon pa kase nagkasakit ang kapatid ko tapos hindi naman ako makaalis kanina sa opisina." Nahihiyang sabi ni Lizhen kay Bryle.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon