Chapter 121: Always by her side.

15 1 0
                                    


*****

          "Ano ba! Lubayan mo nga muna ako! Pwede? Naaabala ang trabaho ko eh." Asik ni Cons sa kanina pa nangungulit na si Jerry. Sinusundan sya nito kahit saan sya magpunta. "Ikaw kaya maglinis ng mga kwarto na may umaaligid sayo ha!"

         "Tanggapin mo na kase yung offer ko sayo. Work for me as my secretary." Jerry said na prenteng nakaupo sa kama na katatapos lang ayusin ni Cons.

      "Tumayo ka nga dyan! Nagugulo ulit ung cover dahil sayo eh!" Pikon na sigaw ni Cons dito.

       "What the use of me being an CEO of my own company. Kung hahayaang kong magtrabaho at mahirapan ang girlfriend ko?" Hindi maipinta ang mukhang sabi ni Jerry.

        "Kikiligin ba ko?" Nakapamewang at nakataas ang isang kilay na tanong ni Cons sa binatang hindi man lang natinag sa pagkakaupo nito.

       "You must be." Nakangising sabi ni Jerry.

       "Tse! Hindi ako kinikilig! Dapat yata hindi kita sinagot eh. Para hindi mo ko kinukulit ng ganito." Cons.

         "Cons, naman...." Jerry.

         "Tse! Ang arte mo. Hayaan mo nalang akong magtrabaho dito okay? Kapag naman naging stable na ulit ang sale ng grocery store, mag-reresign na ko dito eh. Tsaka wag ka ngang mang-gaya. Anu yun? Leon at Neshien lang ang peg?" Cons.

         "Bakit naman natin sila gagayahin? Kaya naman kitang pakasalan noh. For real pa. We dont have to pretend." Mayabang na sabi ni Jerry.

         "Yabang nito. Pero peke ba talaga ang kasal nila? Di ba hindi naman?" Curious na tanong ni Cons.

         "No. Its real and legal. What i mean is, nagpakasal sila para lang tantanan na si Leon ng parents nya. No feelings involve. Ewan ko lang ngayon kung may nagbago na." Kibit balikat na sabi ni Jerry.

        "Sa tingin ko naman may nagbago na. Teka nga! Nalilibang ako eh. Lumayas ka na dito. Para matapos ko na ang trabaho ko." Pagtataboy nito sa binata.

       "Mag-date nalang kase tayo." Pangungulit parin ni Jerry.

        "Hindi makapaghintay? After sabe ng shift ko eh. Dapat talaga hindi kita sinagot eh." Cons.

        "Kung hindi mo ko sinagot kikidnapin na kita. What i did in that place that day was my last straw. If you didn't say yes that day balak na talaga kitang kidnapin." Jerry said smirking habang naglalakad palapit sa natulala sa shock na si Cons.

        "S-seryoso ka? Gagawin mo yon?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

       "Yeah." Nakangisi paring sagot ni Jerry saka hinalikan sa pisngi si Cons. "See you later on our date." Saka nito iniwan ang tulala shock pading si Cons.

         "Aaaaaahhhhh!!!!! Bwisit! Bakit kinikilig ako?" Tili ni Cons pagkaalis ng boyfriend.

#Late  kilig reaction.😊

          "Huh?" Napakunot ang noo ni Cons ng tumunog ang cellphone nito na nasa bulsa nya. "Hello?...... Sino to?" Tanong nito sa nasa kabilang linya dahil unknown number ito.

         "Hi, its Bryle." Sagot ng nasa kabilang linya.

         "Oh! Doc, napatawag ka?" Cons.

         "Ahm.... Im with Lizhen right now in the hospital. Ikaw ang una kong nakita sa phonebook nya kaya ikaw ang tinawagan ko." Bryle.

        "Wait! Nasa ospital kayo ni Lizhen? Bakit?" Nagtatakang tanong ni Cons.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon