Chapter 124: Matchy-matchy 2.

20 1 0
                                    


*****

          "Why i have this feeling na parang may kanina pa sumusunod saten?" Palinga-linga sa paligid na sabi ni Yvan.

         "Paranoid ka lang noh. Ayan na malapit na tayo." Pumapalak pang sabi ni Yumie.

         "Are you really sure about this?" Naninigurong tanong ni Yvan.

       Nakapila kase sila para sumakay ng roller coaster.

        "Sabi nga nila conquer your fear di ba? Tsaka hindi mo naman ako pababayaan diba?" Yumie asked to Yvan habang inaayos ang suot na sunglasses.

       "Siyempre naman no! I will help you conquer your fear sa heights." Yvan.

       "Ganun naman pala eh. Kaya wag ka ng magulo okay? Tapos sunod sa ferris wheel naman tayo sasakay." Excited na sabi ni Yumie.

      Pero ng turn na nilang sumakay.... Bigla syang kinabahan.

      "Babe, its our turn. Sakay na. Are you okay? Nanlalamig ang kamay mo oh." Worried na tanong ni Yvan habang hawak ang kamay ni Yumie.

       "A-Ayos lang ako. Kaya ko to. Wooh! Let's go!" Huminga muna sya ng malalim saka sumakay na sa roller coaster.

      "Babe, im just here lang ah." Hindi binibitiwan ni Yvan ang kamay ni Yumie.

       "Okay." Hindi pa umaandar ang roller coaster nakapikit na sya ng madiin at halos hindi na huminga. At ng mag-umpisa itong gumalaw nag-umpisa ng sumigaw ng malakas si Yumie. "Aaaaaahhhhhh!!!!!"

       "Babe, this is just a roller coaster. Just shout it out. Im just here." Cheer ni Yvan sa girlfriend.

      "Ayoko na!!!!! Aaaahhhh!!!!!" Todo sigaw padin ni Yumie.

      At ng matapos ang ride.....

      "Ahu! Ahu!" Halos maisuka na lahat ni Yumie after ng rides nila sa roller coaster.

       "Babe, are you okay? Sana pala hindi ka na sumakay doon. Nanginginig ka kanina eh. Ayos ka lang ba?" Worried na tanong ni Yvan habang inaalalayan si Yumie.

      "Hay.... Okay na ko. Grabe! Akala ko katapusan ko na. Hindi na ko uulit." Yumie.

       "Here." Inabutan ito ng bottled water at tissue ni Yvan.

       "Thanks. Ferris wheel naman tayo?" Aya ni Yumie pagkatapos uminom, mag-mumog ng tubig at magpunas ng bibig.

      "Wag nalang kaya? Heights na naman yun eh. Namumutla ka pa nga oh." Yvan said habang inaayos ang  buhok na tumatabing sa mukha ni Yumie.

       "Its okay. Kaya ko. Tsaka sabi mo tutulungan mo kong i-conquer ang fear of heights ko di ba?" Yumie.

      "Sabi ko nga eh. Let's go?" Inilahad ni Yvan ang kamay dito.

      "Let's go!" Tinanggap naman ito ni Yumie saka sumandal sa balikat ni Yvan habang naglalakad sila papunta sa kinaroroonan ng ferris wheel.

         Pagkatapos ng rides nila sa ferris wheel....

        "Hooh! Grabe! Feeling ko umiikot ang paligid ko until now. Hilong-hilo lang ang peg ko." Lupaypay na nakakapit si Yumie sa braso ni Yvan.

       "I told you naman kase wag nalang eh." Yvan.

       "Ano ka ba! Atleast na-conquer ko na yung fear ko noh. Next monthsarry natin sky diving naman tayo ha?" Nakangiting sabi ni Yumie sa napamaang na si Yvan.

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now