Chapter 92: Gisahan Moments

13 2 0
                                    

          "So, dito muna sya sa apartment mo?" Neshien ask to Yumie.

         Kinabukasan nagkita-kita uli sila sa apartment ni Yumie para kamustahin si Heshin.

       "Oo. Hindi ko muna sya pinauwi. Mag-isa lang sya doon eh. Ayaw nya namang umuwi sakanila ng ganyan sya." Sagot ni Yumie habang naghahain ng breakfast na dala ng mga kaibigan.

      "Hindi sya papasok sa school?" Lyhmie.

      "Hindi. Nagpaalam sya kung pwede syang mag-leave ng ilang araw. Buti nalang pinayagan sya. Kaen na tayo. Gisingin ko lang si Heshin." Paalam ni Yumie na umakyat muna sa kwarto nya para gisingin si Heshin.

       They decided na samahan muna si Heshin that day para hindi ito masyadong madepressed.

       "Ang dame nyong dalang pagkaen ah. Fiesta?" Sabi ni  Heshin habang kumakaen sila.

      "Akala ko kase pupunta si Dewey at Lizhen eh." Neshien.

      "Naka-duty si Dewey. Si Lizhen naman may pasok." Cons.

      "Kayo? Wala ba kayong pasok ngayon?" Heshin ask na tinignan isa-isa ang mga ito.

      "Ako, Ate heshin mamayang hapon pa ang schedule ng event na inoorganize ko." Lyhmie.

     "Ako din mamayang hapon pa ang duty ko sa hotel." Cons.

      "So, totoo yung sinabi ni Hazel na nagpalipat ka ng schedule?" Neshein.

      "Oo. Kaya hapon at gabi ang schedule ko. Wala akong schedule sa umaga kaya masasamahan ko si Heshin." Cons.

      "Hindi nyo naman ako kaylangang samahan noh. Ayos lang ako ano ba kayo!" Heshin as if nothing happens.

      "Hay naku. Iniiwasan lang nyan ni Cons si Jerry kaya nagpalit sya ng schedule eh. And dont mind us Heshin. Gusto ka naming samahan hanggang maging okay ka." Sabay tusok ni  Neshien sa hotdog na nasa pinggan nito.

        "Hoy! Hinay-hinay sa pagkaen! Alalahanin mo sexy yung sidney na yon." Sita ni Yumie ng mapansin nakakadami na ng kaen si Neshien.

      "Pakealam ko dun sa haliparot na yon? Mas sexy parin ako sakanya kahit kumaen ako ng kumaen noh." Neshien.

     "Confidence much ha. Pero wala ba talaga kayong balak ni Kuya Leon na totohanin ang magiging mag-asawa nyo?" Lyhmie.

     "Tse! Kumaen ka na nga lang dyang bata ka. Kung anu-ano ang sinasabi mo." Namumulang nag-iwas ng tingin si Neshien.

      "Haha! Nagbablush ka Neshien. Umamin ka nga! Naiinlove ka na ba sa pretend husband mo?" Natatawang pang-aasar ni Heshin dito.

      "Heh! Wala akong aaminin noh. Pero thats good thing ha. Tumatawa ka na ngayon." Neshien.

      "Oo nga. Unlike kahapon na hanggang gabe umaatungal ka." Yumie.

      "Naisip ko kase na bibigyan ko sya ng enough time. Pero kapag natagalan at hindi parin sya magpapaliwanag iisipin ko na talagang totoo ang nasa article at kalilimutan ko na sya." Malungkot ang mga matang sabi ni Heshin.

       "Maganda yan. Atleast hindi mo hahayaang malugmok ang sarili mo." Cons.

     "Tama! Fighting Ate heshin!" Cheer ni Lyhmie.

      "Yeah. Fighting!" Nakangiting itinaas pa ni Heshin ang kamay at ginawa ang fighting sign. "Pero kaylan ba babalik ang ate mo? Miserable ako dito tapos sya nag-eenjoy sa piling ni Luke." Pabirong sumimangot pa si Heshin.

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now