Chapter 108: A moment to be treasured.

16 2 0
                                    

******

         "So, saan kayo galing ni Jerry kanina?" Tanong ni Dewey kay Cons. Hapon na ito nakabalik after na hilahin ni Jerry paalis ng hotel na pinag-iistayan nila.

         "Yung bwisit na yon! Dinala ba naman ako sa Central park! At takenote ha, nakapantulog pa ko. Buti nalang disenteng tignan ang pantulog ko." Nakasimangot na sagot ni Cons.

        "Haha! Buti hindi ka nakalingerie kapag natutulog anoh?" Tumatawang sabi ni Dewey pero natigilan sya ng may maalala. "Teka nga! Kasalanan nyo pala kung bakit nangyari yun kanina." She said saka sinamaan ng tingin si Cons.

        "Ha? Anong kasalanan ko sayo? At ano bang nangyari sayo kanina?" Kunot ang noong tanong ni Cons.

       "Akala ko ikaw yung nag-abot saken ng damit ko kanina. Hindi ko alam na si Russel pala yon. Nasabi ko pa naman na sasagutin ko na sya bago tayo bumalik ng Pilipinas." Beastmode na sabi Dewey.

       "Oh my! Nasabi mo yun kase akala mo ako parin yung kasama mo dito kanina? And...Aaaaahhhh!!!! Sasagutin mo na sya?" Kinikilig na react ni Cons.

        "Tse! Manahimik ka nga dyan! Kinikilig ka pa ngayon? E, samantalang sobrang kahihiyan yung inabot ko. Imagine sya yung nag-abot ng damit ko. At nasabi ko na sasagutin ko na sya! Kainis ka! Bakit ka kase nagpahila sa Jerry na yon eh!" Maktol ni Dewey.

        "Haha! Kasalanan ko? Yung Jerry na yon ang sisihin mo noh. Tsaka ayos lang yon. Atleast alam nya na na sasagutin mo naman pala sya. Congrats in advance!" Cons.

      "Tse! Hindi ko sya hinarap maghapon noh." Dewey.

       "Nagkulong ka lang dito? Paano si Sir Russel?" Cons.

        "Nagtagal ako sa loob ng banyo. Paglabas ko wala na sya. Nag-iwan lang sya ng note." Dewey.

       "Grabe ka! Hindi mo man lang hinarap yung tao?" Cons.

       "Hindi ko sya maharap sa sobrang kahihiyan eh. Anong magagawa ko?" Dewey.

        "Anong sabi nya sa note?" Cons.

       "Sabi nya sa note na it's okay kahit hindi kame magkita today kase once na magkita kame, kame na. Kaya, I better prepare myself daw kapag nagkita kame." Dewey.

       "Haha! Kase nga sabi mo sasagutin mo na sya bago tayo umuwi ng Pinas. Eh, uuwi na tayo the next day di ba? So, it means kayo na sa isang araw! Aaaaahhh!!!! Kinikilig na ko in advance." Tumitili sa kilig na sabi ni Cons.

        "Tse! Ang ingay mo! E, kayo ni Jerry kamusta?" Dewey asked.

        "Wala akong ikukwento dahil sinimangutan ko lang sya maghapon noh. Change topic ka eh! Ano, sasagutin mo na talaga si Sir Russel?" Cons.

        "Oo na! Anu pa nga bang magagawa ko? Eh, nasabi ko na. Alam na nya eh. E, di sasagutin ko na sya." Dewey.

       "Aaaahhh!!! Congrats talaga in advance." Cons.

        "Tse! Teka nga bakit wala pa si Heshin? Sabi nya ngayon lalabas ng ospital si Kerko ah." Dewey.

       "Talaga? So, okay na si Kerko?"  Cons.

       "Hindi pa ganun ka-okay pero condo nya nalang daw sya magpapagaling sabi ni Heshin kanina nung nakatext ko sya." Dewey.

       "I see. Baka sasamahan nya muna si Kerko sa condo." Cons.

       "Well, baka nga. It means tayong dalawa lang ang kakaen ng dinner." Dewey.

       "Pwede naman nating yayain si Sir Russel." Cons.

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now