Chapter 90: A way to her heart.

15 2 3
                                    

           

         "Bakit ngayon ka lang? Kanina mo pa sinabi na on the way ka na ha. Pati sila ang tatagal nila! Hindi ko nalang alam ang gagawin ko para mapakalma si Heshin eh!" Mainit ang ulong salubong ni Yumie kay Yvan.

      "Relax. Im here now. Pasensya na kaylangan ko pa kaseng tapusin yung shoot bago ko makaalis doon eh." Paliwanag naman ni Yvan sa dalaga. "How's Heshin?"

     "Nasa sala. Iyak padin ng iyak. Dinala ko na nga lang sya dito sa apartment ko kase grabe ang atungal nya sa coffee shop eh. Nagugutom na ko. Hindi ako makapagluto dahil hindi ko sya maiwanan." Yumie.

      "Okay. I'll cook. Kawawa naman si Heshin forsure gutom na rin yan." Yvan.

     "Marunong kang magluto?" Naniniguradong tanong ni Yumie sa binata.

      "Siyempre naman. Baka mainlove ka na saken kapag natikman mo ang luto ko." Yvan said sabay kindat sa dalaga.

      "Tse! Sige na magluto ka na! Damihan mo na dahil parating na rin yung iba." Pagalit na sabi ni Yumie na nag-iiwas ng tingin para itago ang pamumula ng mukha nya.

      "Sungit. Anu bang meron sa kusina mo?" Yvan.

      "Tignan  mo nalang. Babalikan ko na si Heshin." Yumie.

     "Okay." Nagtuloy sa kusina si Yvan habang sa sala naman nagpunta si Yumie.

      Maya-maya lang halos magkakasabay na dumating sila Neshien.

      "Pasensya na traffic eh." Magkakasabay na sabi ng mga ito.

     "Wow! Lakas maka-choir ah. Sabay-sabay. How's the date, Dewey?" Nakangising tanong ni Yumie.

      "Heh! Wag mo ng itanong baka lalong umatungal tong si Heshin." Dewey.

      "Buti nalang pinayagan ako ni Leon na pumunta dito kahit gabi na. Pabasa nga nung magazine." Neshien na naupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Heshin.

     "Ikaw pa ba? Malakas ka sa hubby mo eh. Here, basahin nyo at husgahan." Inabot ni Yumie ang magazine.

     "Waaaaahhhhh!!!!! Hindi sya pwedeng magpakasal sa babaeng yon!!!!!" Nagulat sila sa biglang pag-atungal ni Heshin.

     "Ay, kaylangan pa ba nating magbasa ate? Ayan na oh. Ate Heshin is bursting it out." Lyhmie.

     "Hay.... Heshin, huminahon ka nga. Base dito sa article yung babaeng yun lang ang nagsabi na engage na sila ni Kerko." Lizhen.

     "Oo nga noh? Wala namang statement si Kerko dito eh." Cons na nakatunghay din sa magazine.

      "Wala nga.... Pero hindi ko sya makontak. Bakit hindi man lang sya tumatawag saken to make things clear...." Sumisinghot-singhot na sabi ni Heshin.

      "Kanina pa sya umiiyak." Yumie.

     "Baka naman madehydrate ka nyan friend." Dewey na inalo-alo si Heshin.

     "Anong gagawin ko? Sabi na nga ba nung nakita ko ang babae na yon eh. Hindi sya katiwa-tiwala. May gusto sya sa Kerko ko!!!!...." Heshin.

      "Tama na yang iyak. Maga na yang mata mo oh. So what kung engage na sila? Dapat ipakita mo na hindi sya kawalan sayo noh." Neshien.

      "Hindi ko kayang mawala sya saken!!!!" Atungal na naman si Heshin.

       "Neshien naman pinapaiyak mo lalo eh. Anong gagawin natin?" Cons.

      "Sabi ko sakanya hintayin nalang na tumawag si Kerko at magpaliwanag." Yumie.

      "Eh, hindi nga sya nagreresponse sa mga messages ko di ba? Baka pinagbabawalan sya ng bruha na yon!" Heshin.

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now