Chapter 58: Face the Reality

14 2 0
                                    

         

          Kinabukasan sinamahan ng mga available sakanila ang nagmumukmok paring si Heshin.

          "Heshin, tahan na okay? Kahapon ka pa umiiyak eh." Yumie.

         "Oo nga. Naghiwa-hiwalay tayo kahapon na umiiyak ka. Tapos nagkita-kita tayo ngayon umiiyak ka parin?" Dewey.

      "Mabuti nalang available kame ngayon." Kishy.

       "Pasensya na kayo ha. Thank you din sa pagsama saken ngayon." Heshin said habang nagpupunas ng luha.

        "Hay... Wala yon. Basta nandito lang kame for you." Kishy.

        "Anong plano mo? Hindi ka nakapasok sa trabaho mo ngayon." Yumie.

       "Oo nga. Tumawag na ba sya sayo?" Dewey.

      "Hindi pa.... Kahit gusto ko syang tawagan hindi ko naman alam ang number nya don....Nakakainis sya! Kaya pala sobrang sweet nya nung mga nakaraang araw na magkasama kame.... Kase.... Iiwan nya na naman ako...." Tumutulo na naman ang luhang sabi ni Heshin.

         "Hay.... Bakit ba ang duwag nun? Pwede naman nyang sabihin sayo na kaylangan nyang bumalik ng states di ba?" Naiinis na sabi ni Dewey.

        "Tama ka dewey. Ang duwag nya. Hindi sya tumulad kay Russel." Yumie.

       "Anu namang kinalaman ng baliw na yon dito?" Kunot ang noong tanong ni Dewey.

       "Kase matapang sya dahil inamin nya sayo ng harapan na gusto ka nya." Yumie.

      "Correct ka dyan, Yumie! Kinilig ka ba nung nagconfess sya sayo?" Kinikilig na tanong ni Kishy.

      "Hindi ako kinilig noh!" Nagbablush na nag-iwas ng tingin si Dewey.

     "Anung ginawa mo nung nagconfess sya sayo?" Yumie.
  
      "T-tumakbo ako." Dewey.

      "At nagkulong sya sa kwarto nya." Kishy.

      "Parang yung ginagawa ni Heshin ngayon. Nagkukulong dito sa apartment nya." Yumie.

    "Mas okay na toh. Kesa sa school ako umiyak. Nakakahiya
sa mga estudyante ko." Heshin.

     "Hay.... Heshin, you have to face the reality. Sa states nakabase si Kerko. Habang ikaw dito sa Pilipinas. Atleast you know that you both love each other." Kishy.

     "Ay? May bitterness?" Dewey.

     "Haha! May point si Kishy. Accept the fact na sa LDR nga mauuwi ang relasyon nyo." Yumie.

      "Siguro nga kaylangan ko yung tanggapin. Pero sana man lang nagpaalam sya. Hindi yung iniwan nya ko ng ganito." Heshin.

      "Kapag tinawagan ka nya saka mo isumbat sakanya ang ginawa nya. But you have to listen to his explanation too." Yumie.

     "Tama! Kaya imbes na magmukmok ka, lumabas nalang tayo." Kishy.
   
      "Saan naman tayo pupunta?" Dewey.

       "Malling? Kaya mag-ayos ka na Heshin." Kishy.

      "Okay yun para malibang ka. Kilos na." Hinila ni Yumie patayo si Heshin saka pinagtulakan sa banyo.

     "Kame ng bahala sa susuotin mo." Sinimulan ng i-raid ni Dewey ang closet ni Heshin.

      "Akong bahala sa make-up!" Kishy.

     Kaya naman nagtulungan ang tatlo sa panglilibang kay Heshin.

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now