Chapter 97: Husband Duty

20 2 1
                                    

              "So, ngayon na ang alis nina Dewey?" Cons.

             "Oo. Hindi na sila nagpahatid." Neshien.

          Nasa garden ng hotel ang dalawa that afternoon.

          "Well, mga busy naman tayong lahat wala ring maghahatid." Cons.

          "Oo noh. Tsaka one week lang naman sila doon eh." Neshien said habang busy sa ginagawa sa macbook ng asawa nya.

       "Sandale! Macbook yan ni Sir Leon di ba?" Manghang tanong ni Cons.

       "Ha? Oo." Neshien.

       "Ui! Conjugal property?" Nanunuksong sabi ni Cons.

       "Tumigil ka nga dyan. Pati ba naman paggamit ko ng macbook nya bibigyan mo ng malisya? Eh, sa pinagamit nya saken to noh. And beside secretary nya ko remember?" Neshien.

      "Sabi mo eh. Pero sayang noh? Sana kayo nalang ang pumunta ng states para honeymoon nyo na rin." Cons.

      "Cons! Kilabutan ka nga! Honeymoon ka dyan!" Neshien exclaimed.

      "Haha! Intense ng reaction friend ha. Infairness tiba-tiba si Dewey ha. Imagine makakapunta na sya sa states for free, makakasama nya pa si Sir Russel." Cons.

      "Yeah right. Pero hindi naman sila pumunta doon for vacation noh. Pupunta sila doon para hanapin si Kerko. At alamin kung anu ang totoo." Neshien.

      "Sana nga maging sucessful ang pagpunta nila don." Cons.

     "Kamusta na ba si Heshin?" Neshien.

      "Sabi ni Yumie okay naman daw. Nagpapakabusy sa trabaho. Tumanggap na din daw nga ng tutorial para mawalan sya ng oras mag-isip eh." Cons.

      "But in the end of the day maiisip nya parin si Kerko bago sya matulog." Neshien.

       "Kaya nga eh. Kawawa naman si Heshin. Teka nga, bakit ba dito mo trip tumambay? Eh, ang init kaya dito." Cons.

       "Wow ha. Kanina pa tayo dito ngayon mo lang naisip magreklamo?" Neshien.

       "Feel na feel ko na yung init eh. Pasok na ko sa loob ha. Tapos na rin ang break ko eh." Cons.

       "Okay. Pakisabi nalang sa kitchen padala ng juice dito, thanks." Neshien.

        "Okay." Umalis na si Cons at naiwan si Neshien sa may garden sa ilalim ng init ng araw.

         Busy parin si Neshien sa ginagawa sa macbook ni Leon. Nakaupo sya sa isa sa mga upuan sa garden. Pero naagaw ang atensyon nya ng biglang lumilim sa pwesto at napa-angat ang tingin nya sa taong nagpayong sakanya.

        "Huh?" Nagtatakang napatingin dito si Neshien.

        "Bakit hindi mo sa loob ituloy yang paglalaro mo ng mobile legends na yan? Bakit nandito ka nagbibilad sa arawan?" It's Leon holding an umbrella.

      "H-Hindi ako naglalaro ah!" Nagmamadaling ini-off ni Neshien ang macbook. "B-Bakit ka nandito?" Nabubulol na tanong nya kay Leon.

     "I saw you. At mukhang kanina ka pa nagbibilad dito. Nakaalis na sila Russel at Dewey." Leon.

       "Ah.Okay. Kakapunta ko lang dito. Papasok na rin ako sa loob. Wag mo na kong payungan." Nahihiyang sabi ni  Neshien.

      "Namumula na yang balat mo. It means kanina ka pa dito. Let's get inside." Leon.

      "O-Okay." Neshien.

      They are about to get inside ng may guest na nag-approach sakanila.

      "Oh, Hi, Mr. Leon. Is she your wife?" Nakangiting tanong ng ginang.

      "Yes, Mrs. Gonzalo. She is my wife  her name is Neshien." Leon.

      "Nice meeting you po, Mrs. Gonzalo." Bati dito ni Neshien.

     "Same here, hija. You look so cute together. I saw your husband na pinayungan ka kanina. Ang sweet at napaka-caring mo pala Mr. CEO." Mrs. Gonzalo.

      "Hehe... Opo. Sweet at caring sya." Medyo awkward na  sabi nalang ni Neshien.

       "Husband duty, you know Mrs. Gonzalo." Leon na medyo awkward din.

       "I know. Duty ng mga asawang lalake na mag-care sa mga asawa nila. Can i take a picture of you two with that umbrella? You look like a cute couple." Tuwang-tuwa request ni Mrs. Gonzalo.

      "Hehe... Picture po?" alanganing napatingin si Neshien kay Leon.

      "Sure, Mrs. Gonzalo." Pagpayag ni Leon.

      "Ha?" Napamaang si Neshien kay Leon dahil sa pagpayag nito.

      "Okay. Here we go." Inihanda ni Mrs. Gonzalo ang camera sa phone nya.

       "Smile. Ayaw mo naman sigurong maging pangit ang kalabasan ng picture natin." Bulong ni Leon na umakbay kay Neshien saka ngumiti.

      "Smile." Nakangiting sabi ni Mrs. Gonzalo.
     
      "Okay po." Napilitan nalang na ngumiti rin si Neshien.

      "1,2,3! Ayan ang ganda nyong tignang dalawa. Sya maiwan ko na kayo. Salamat." Mrs. Gonzalo.

      "Your welcome po." Nakangiting sabi ni Neshien sa ginang.

       "Okay, Mrs. Gonzalo." Tinanguan naman ito ni Leon.

      "Pumasok na nga tayo baka may iba pa na makakita satin. Sabihin nila ginagawa kong taga-payong ang CEO." Neshien na nauna ng maglakad kay Leon.

       "So,what? Husband duty remember?" Leon.

        "Whatever." Binilisan na ng nagbablush na si Neshien ang paglalakad papasok sa hotel.

        Habang nakasunod naman ang nangingiting si Leon.

*****

        "Eeeee!!!! Im excited! Pero kinakabahan ako." Dewey.

        "Its your first time na sumakay ng plane?" Tanong ng katabi nya sa eroplano na si Russel.

        "Oo eh. Hehe..." Alanganing sagot ni Dewey.

        "Dont worry im here. Just hold my hand kapag may turbulance." Russel.

        "Tsansing ka rin anoh?" Dewey.

        "Sino kayang nananantsing? Eh, kanina ka pa nakakapit sa muscle ko. Pwede namang sa kamay o braso lang diba? Sa bicep talaga dapat ang hawak?" Russel said saka tumingin kung nasaan ang kamay ni Dewey.

        "Hehe... Ito naman nacarried away lang." Nakangiting inalis ni Dewey ang kamay nya sa mamasel na bicep ni Russel.

       "I dont mind by the way. You can use my shoulder pa nga kapag matutulog ka eh." Russel.

       "Bakit shoulder pa? Hindi nalang sa abs." Murmur ni Dewey.

       "What did you say?" Kunot ang noong tanong ni Russel.

        "Wala! Dont mind it. Newyork here i come." Pabulong na sabi nalang ni Dewey.

        "Cute." Nakangiting komento ni Russel.

         And they have to endure the long hour travel going to the big apple.

A.N: Vote and comment. Thanks!

       Josahannbercasio.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon