Chapter 15: Her Reason

ابدأ من البداية
                                    

“Bakit hindi ka pa rin natutulog?” I asked him back.

Katahimikan na naman ang pumailanlang sa aming dalawa.

“Matu-“

“Kanina pa kitang pinagmamasdan.. mukha mo’y di maipinta. Malungkot ka na naman..”

 

Noong una akala ko sinasabi niya talaga sa’kin yun.. pero napagtanto kong hindi pala… Kumakanta siya. Kinakantahan niya ako. 

 

“Kanina pa kitang inaalok ng kwentuhang masaya, para sa’yo’y.. balewala.”

 

Mabagal.. Sobrang bagal ng pagkakakanta niya na parang sa bawat liriko ng kanta ay ang lalim ng kahulugan sa kanya. I can feel it.

“Sandali nga.. teka nga. May nakalimutan ka, di ba’t pwede mo kong iyakan. Sige laaang, sandal ka lang. At ‘wag mong pipigilan..”

 

Ewan ko ba. Pagkasabi niya nun, bigla ko na lang naramdaman ang pagpiga ng puso ko kasabay ng pagkabasa ng mata ko. And just like that, I let out a sigh and let my tears flow from my eyes.. Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. Bahala na kung marinig niya. Hindi ko na kasi talaga kaya.

 

“Iiyak mo na ang lahat sa langit.. Iiyak mo na ang lahat sa akin.”

 

Bumigay na din ang tuhod ko, napa-upo na ako sa malamig na marmol.. I feel like a lost child. I feel so empty..

“Chloe.. papasukin mo ako.”

Umiling-iling ako. I shook my head vigorously even though I know he can’t see me.

“Papasukin mo ako sa buhay mo.”

Inangat ko ang aking kamay hanggang sa matagpuan nito ang hawakan ng pinto. Kasabay ng pagpihit ko nito ay ang pagbubukas ng loob ko sa kanya. Hahayaan ko na muna siyang makita ang kahinaan ko.. ang pagdurusa ko.

My nose caught his intoxicating scent, the moment he entered my room. Alam kong nasa harapan ko na siya, sa malalim pa lang na paghinga niya na dinig na dinig ko.

“Smile..” he whispered. Hindi ko siya sinagot. Ano bang sasabihin ko? Na wala nang rason para maging masaya ako? Na wala ng pag-asa na makangiti ako ng totoo?

“Kung hindi ka nakasimangot, umiiyak ka naman. I want to see your smile.” Ang ingat-ingat ng pagsasalita niya. Napakalambot..

Marahas kong pinunas ang kamay ko sa mga mata ko. “H-hindi ko na alam.”

Buntong-hininga ang sinagot niya sa’kin. Napapitlag ako nang hawakan niya ang siko ko at ginabayan ako sa pagtayo. Wala na akong nagawa kundi sumabay na lang sa agos niya. Ginabayan niya ako hanggang sa makapunta ulit ako sa kama.

Pagkahiga ko, naramdaman kong humiga rin siya. Bumilis ang pintig ng puso ko nang yakapin niya ako mula sa likod. Nagwawala ang sistema ko. Hindi ko alam kung saan ifofocus ang isip ko. Doon ba sa naghaharumentado kong puso, o sa mainit niyang mga bisig na nakapalibot sa’kin?

“Wag mo nga akong hawakan.” sabi ko sabay hila sa mga braso niya paalis sa katawan ko.

“Gusto kitang yakapin.” Hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa’kin kaya nabalewala ang pagpupumiglas ko. “Ng mahigpit.. ng sobrang higpit. If only my hug can take all your sorrows away.”

I sighed. Bigla ko tuloy naalala ang dahilan kung bakit siya pumunta rito. "Bakit ka nakokonsensya?"

"Never mind that. J-just sleep."

At kahit nagtatalo ang puso’t utak ko sa nangyayari, pinabayaan ko na lang siya. Kinantahan niya ulit ako 'till I drifted into a dreamless sleep.

***

“TIME TO WAKE UP!”

“Ano ba!!!” Yinuyugyog kasi ako ng yinuyugyog! “Tumigil ka nga, Martin!”

I heard his chuckle.. a sexy chuckle. “Ang sarap mo palang pagtrip-an kapag bagong gising.” Tapos tumawa pa siya ng sobrang lakas.

“Kainis ka!” Pinuwersa ko ang sarili kong bumangon, kinuha ang alam kong unan sa tabi ko at binato yun sa direksyon niya. I really hope na sana tinamaan ko siya.

“You missed!” Lumubog ang foam sa may gilid ko, senyales na umupo siya sa tabi ko. “Kumain ka na. We’re going out.”

“Ha? Saan?”

“Date. We’re going on a date.”

Natigil ang pag-aayos ko sa gulo-gulo kong buhok sa sinabi niyang yun. “Ano?! Alam mo ba ang sinasabi mo?!”

“I clearly knew what I’m talking about.” seryoso niyang tugon sa’kin.

Napakamot ako sa sobrang pagka-irita. “Alam mo naman ang sitwasyon ngayon, diba?!”

“But that doesn’t mean, I’m going to stop what I wanna do.”

“So this is what you want? To date me? Are you insane?!” I scoffed.

“Whether you like it or not, you’ll come with me.” he said with finality. Narinig ko pa ang pagtunog ng kama nung siya’y tumayo.

“Bakit? B-bakit mo ginagawa ‘to?”

“Simple lang. I wanna make you happy. Papaligayahin ulit kita. I want to be the reason of your smile.”

Sightless Love [COMPLETE]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن