Chapter 15: Her Reason

Magsimula sa umpisa
                                    

Narinig ko ang paggaralgal ng boses niya. Sa bawat salitang kanyang sinasabi.. pumipiga ang puso ko. Paulit-ulit. Paulit-ulit niyang sinasabi na pinatay ang anak niya. Na ginahasa at walang awang pinagsasaksak ang pinakamamahal niyang anak.

Paulit-ulit.

Sa tingin ko bibigay ang tuhod ko, kaya bago pa ako panghinaan, tinakbo ko ang nilaan sa’king kwarto at doon humagulgol. Umiiyak ako dahil sa takot.. sa awa.. Hindi man lang sumagi sa isip ko dati noong may paningin pa ako na malalagay ako sa sitwasyong ganito..

Na mapapahamak ang buhay ko.

Na may mga taong magpapahalaga sa’kin.

Na may mga taong gusto akong maprotektahan dahil sa kadahilanang.. ayaw na nilang maulit yung nakaraan kaya nang makakita sila ng pagkakataong makabawi, hindi na nila ito pinalagpas.

Si Martin na walang nagawa sa naging kapansanan ng kanyang ina.

Si Chief Verzosa na walang nagawa sa pagkamatay ng anak niya.

Gusto nilang gumawa ng mga bagay na makakapag-alis ng guilt sa kanilang sarili. Gusto nilang makabawi sa mga minamahal nila. Nagsisisi sila.. sobra sobra ang pagsisisi nila.. kaya nandito sila ngayon sa buhay ko. Dahil ako ang daan para mawala yung pagsisisi sa mga puso nila.

***

1 am.

 

Napabuntong-hininga ako pagkarinig ko sa mala-robot na pananalita ng phone ko. Hindi pa rin ako makatulog. Naiinis ako kasi gusto ko na talagang isara ang isip ko. Ayoko na munang mag-isip pero tila kahit ‘yun ay pinagkakait sa akin.

“Chloe.” Napapitlag ako nung narinig ko ang pangalan ko kasabay ng pagkatok niya sa pintuan ng kwarto ko. “Gising ka pa ba?”

Hindi ako nagsalita. Hindi ko alam kung papapasukin ko ba siya o hindi. Mas gusto ko kasi talaga munang mapag-isa, ngunit may nagsasabi sa’kin na kailangan ko ng kausap.

Kumatok ulit siya ng mahina. Nakabukas na ang bibig ko at handa ng magsalita nang marinig ko ang boses niya.

“I can’t sleep. I’m being attacked by my conscience.”

“What are you saying?” I blurted out. Nagulat ata siya sa biglaan kong pagsasalita dahil wala akong narinig na salita galing sa kanya matapos ang ilang minuto.

Kinapa-kapa ko ang gilid ko hanggang sa matagpuan ng kamay ko ang malamig na pader. Tumayo ako’t sinundan ito ng kamay hanggang sa maramdaman ko ang gaspang ng pintuan. Inilandas ko ang aking kamay pababa, and encircled my hand to the doorknob.

Hindi ko siya magawang pihitin. I don’t know why.. something’s stopping me from opening this door. For opening my life to him.

“Ba’t gising ka pa?” tanong niya. Wala akong nagawa kundi ilapat na lang ang mukha ko sa pinto.

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon