Special Chapter 6

Magsimula sa umpisa
                                    

"Lintek na 'yan."

"Manahimik ka nga Silver." Pasimpleng saway ko. Baka kasi marinig s'ya ni ma'am eh tapos mapa-office pa s'ya.

"Eh ma'am, tungkol po ba saan yung ire-report namin?" Tanong ni Jarred.

"Iisa lang naman ang topic n'yo. Just give me some enough explanation about 'Pricing'. Mas magandang report, mas mataas ang grade." Napuno na naman ng bulungan ang classroom. "Be ready sa Friday ha? So...that's it for now. Goodbye fourth year students."

"Goodbye ma'am." Halos ako na lang yung nakapagsabi niyon dahil abala ang mga kaklase ko. Kanya-kanya na kasi silang lapit sa kanilang ka-partner upang mapag-usapan ang about sa report.

"Kapag 'di ka pumayag, susuntukin kita!" Natahimik ang buong klase miski ako dahil naagaw ang atensyon namin doon sa lalaking sumigaw.

Naku, si Silver na naman. Pero bakit kausap n'ya si Jarred? Ang bilis n'ya namang makarating doon.

"Sorry pre pero hindi pwede. Narinig mo naman yung sinabi ni ma'am diba?"

"Wala akong pakialam!" Nagkaroon na naman ng bulungan but this time, dahil na 'yon kay Silver.

Lumapit ako sa kanila at hinarap si Silver. As her girlfriend, ayoko s'yang mapaaway.

"Silver, ano bang ginagawa mo?" Mahinang tanong ko sa kanya. Napansin ko agad na ang sasama ng tingin sa'kin ng mga babae pero wala naman silang magagawa dahil alam nilang magagalit sa kanila si Silver once na saktan nila ako.

"Nakikipagpalit kasi ako sa kanya ng partner eh kaso ayaw n'ya!" Napahampas na lang ako sa noo ko dahil sa pagka-immature ng utak n'ya. Pati ba naman 'yon? Aawayin n'ya ang kaklase namin dahil lang sa hindi ito pumapayag na makipagpalit ng partner?

"Ewan ko sa'yo." Humarap ako kay Jarred. "Jarred, pasensiya na sa sinabi ni Silver ah? Hindi n'ya naman sinasadya 'yun." Ngumiti ako sa kanya.

"Ah okay lang. Basta yung about sa report natin, ite-text na lang kita mamaya ha? Meron naman akong number mo eh."

Itatanong ko pa lang sana kung paano s'ya nagkaroon ng number ko pero naunahan agad ako ng boyfriend ko. "ANO?! PAANO MO NALAMAN ANG NUMBER NI ANGEL KO?! SIGURO STALKER KA N'YA NOH?! PWES, AKO NA ANG NAGSASABI SA'YO, WALA KA NG PAG-ASA! BOYFRIEND N'YA NA AKO, MATAGAL NA!" Saktong pagkasabi n'ya nun ay nagbell na. Mabilis ko s'yang hinigit at kinuha ko ang bag naming dalawa. Hinila ko s'ya hanggang sa makalabas at makalayo kami ng school.

"Silver ano bang proble---" Pagharap ko sa kanya ay nakita kong nakangiti s'ya habang tinitingnan ang kanyang kamay. "Ulaga ka ba?! Ba't ka nakangiti d'yan?!"

"Ang sarap sa pakiramdam na ikaw ang unang humawak sa kamay ko. Lagi kasi ako ang nauunang humawak sa kamay mo kaya parang nag-iba tuloy yung pakiramdam ko."

"A-ano bang sinasabi mo d'yan? S-siyempre hinila kita kaya ko nahawakan ang kamay mo!" Kung anu-anong meaning agad ang iniisip n'ya eh. Spell ulaga? S-I-L-V-E-R

Ang Manyak kong AsawaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon