Chapter 30

Halos mapunit na ang dalawang picture na hawak-hawak ni Grey ngayon. Hindi n'ya alam na nagsasabi pala ng totoo ang pinsan n'ya. Talagang pinagtataksilan nga s'ya ng asawa n'ya.

"Honey tapos ka na bang maligo?" Pumasok ang asawa n'ya sa kwarto. Tiningnan n'ya ito ng may halong galit sa mga mata. Ipinagtaka naman ito ni Lory. "B-bakit?"

"How could you do this to me?! Minahal kita! Inalagaan, pinagkatiwalaan! Ginawa ko ang lahat! Tapos anong ginawa mo?! Nakikipaglandian kay Sazer?! Hindi pa ba ako sapat sa'yo?! Ha?!"

Napakunot ang kanyang noo. Ano na naman bang sinasabi ni Grey sa kanya?! "A-ano? H-hindi kita mainti---"

"H'wag ka nang magkaila! Eto ang ebidensya!" Hinagis nito sa harapan ng asawa ang mga picture. Gulat na gulat naman itong tiningnan ni Lory.

Nanlaki ang mga mata n'ya. Na-misunderstood lang ito ni Grey! "I can explain---"

"H'wag mo nang subukan! Papaikutin mo na naman ang ulo ko! Mas mabuti pang mamatay na lang ako kaysa sa saktan mo ako ng ganito!!!"

Hindi na napigilang umiyak ni Lory. Nasaktan na naman agad s'ya ng sobra. Hindi n'ya na kasi talagang kayang kontrolin ang emosyon n'ya. "Ayan ka na naman eh! Papairalin mo na naman 'yang galit mo! Ayaw mo muna akong pakinggan!"

Gusto n'yang lapitan si Lory at yakapin pero nangunguna ang galit n'ya. "Pakinggan?! Ilang beses ko na bang ginawa 'yon ha?!"

"Ibig sabihin, m-mas naniniwala ka sa picture na 'to kaysa sa'kin?! Gan'on ba ha?! Mas kapani-paniwala 'tong mga lintik na litratong 'to para sa'yo?! Ha?!"

"At tingin mo magsisinungaling ang picture na 'yan?!"

Wala nang nagawa si Lory kundi ang humikbi. Hindi n'ya akalaing mas paniniwalaan ng asawa nya ang mga nasa litrato kaysa sa kanya.

"Fine! Kung 'yan ang pinaniniwalaan mo, edi 'yan!" Nagwalk out sya. Umalis s'ya ng bahay. Naghanap s'ya ng taxi at nagdiretso sa bahay ng kaibigan n'yang si Emerald.

Hindi alam ni Grey ang gagawin n'ya. Sobrang nasaktan s'ya ngayon. Nang umalis ang asawa n:ya ay inisip n'ya na didiretso lang ito kay Sazer.

Napaupo s'ya sa kama at isinubsob ang mukha sa palad. "Ano bang nagawa kong mali?! Bakit ginago n'ya 'ko?!" May tumulong luha sa mata n'ya pero pinunasan n'ya lang '(yon.

  

----

"Oh Lory napabisita ka? Anong ga--oh my God, bakit ka umiiyak?!" Agad na binuksan ni Emerald ang gate at pinapasok si Lory. Pumasok sila sa bahay at pumunta sa salas saka umupo sa couch. "Saglit lang ah! Ikukuha kita ng tubig!" Umalis ito sandali para makakuha ng tubig. Pagbalik nito ay agad n'yang pinainom si Lory pero hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak."Lory, anong problema?" Nag-aalala nitong tanong.

"S-si Grey kasi, ayaw n'yang maniwala sa'kin. S-sabi n'ya, may ibang lalaki daw ako tapos yung tinutukoy n'ya ay si Sazer, yung pinsan n'ya." Umiiyak ito habang nagsasalita.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!