a/n: tanong galing kay ShaMonton

question: Grey, kung sakali mang iwan ka ni Lory dahil kay Malan, makakaya mo bang iwan ka ni Lory?

Grey's answer: Bakit naman ako iiwan ni Lory dahil kay Malan? Wala kaming ginagawang kalokohan ni Malan kaya hindi ko maisip na iiwanan n'ya ko.

----

Chapter 22

Ibinaba ko ang dala kong walis at tumabi kay Lory. Nang mapansin n'ya 'ko, kumunot ang noo n'ya.

"What are you doing here?! Bumalik ka nga sa trabaho mo!"

"Ah m-ma'am.."

----

Lory's POV

Tingnan mo 'tong babaeng 'to! Nakaupo lang ngayon! 'Yan ba ang gawain ng kasambahay ha?! Kung hindi lang sana dahil kay mama, tinanggal ko na agad 'yan! Hay naku!

"Ah m-ma'am.."

"Ano?!"

"Uhmm... Sorry po."

Automatic na tumaas ang isang kilay ko. "Marunong ka pala magsorry?!"

Tumungo s'ya. "Nagsisisi na po ako. Sorry na po talaga. Promise po, hindi na po mauulit yung pagsisinungaling ko kanina sa mama mo." 

Wow! Kapani-paniwala! "Ayaw mong gagalingan yung pag-arte mo, hindi tuloy ako naniniwala!"

Napatingin s'ya sa'kin. "Ma'am nagsasabi po ako ng totoo!"

"Eh bakit kailangan mo kong sigawan?!"

Napayuko na naman s'ya. "S-sorry po."

Sirang plaka ka ba?! Paulit-ulit ka na lang eh!" Huminga ako ng malalim. Lagi na yata akong galit dahil sa kanya. "Umalis ka na nga lang dito! Naiirita ako sa pagmumukha mo!"

  

Tumayo s'ya habang malungkot yung mukha n'ya. Sus! I know, umaarte lang s'ya.

Pero bakit kaya s'ya nagsosorry? Ano kayang plano ng babaeng 'yun?!

After kong manood ng tv ay nagpunta ako sa kwarto. Gusto ko kasing matulog.

----

"Honey wake up." Naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko. Nagmulat ako ng mata at siyempre nakita ko ang aking hot na hot at macho at poging-poging---oh s'ya, tama na ang puri. Nakita ko ang asawa ko sa harapan ko, 'yun lang. Wala dapat definition sa kanya.

"Naka-ilang nakaw ka ng halik sa'kin?!" Naramdaman ko kasi yung labi n'ya sa pisngi ko. Kunwaring naiinis ako pero deep inside, kinikilig ako. Ay tae! Bakit ako kikiligin?!

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!