a/n: Paread po ng bago kong story, puro one-shot lng po nandyan 'My collection of one-shot stories' or just click the external link.

tanong galing kay: huhsyapeyt29

question #1: Lory tanggap mo ba ang kamnyakan ni Grey?

Lory's answer: hindi pa din pero medyo nasasanay na ako. 'Yun nga lang ay nakakatanggap s'ya ng batok sa'kin.

question #2: Grey handa ka na bang magbago para kay Lory? (hindi ka na magiging manyak?)

Grey's answer: ssshhh! Ayokong sabihin. Makikita n'ya yung sagot ko *o* Mwahaha.

 

----

Chapter 18

Grey's POV

"L-layuan mo 'ko Honey!" Nakahawak ako sa pisngi ko na kinagat nya habang tumatakbo. Buti na lang at nakatayo ako at agad na nakatakbo.

"Eeehh! Hindi pa 'ko satisfied! Isa pa please?" Ano bang nangyayari sa asawa ko?!

"Honey, masakit na yung pisngi ko. Marami naman d'yang pagkain eh." Nag-iikutan kami ngayon sa lamesa. Sana lang talaga ay tigilan n'ya na ako. Ayoko pang mamatay!

"Eh ayoko! Gusto ko ikaw!" Ang kulit talaga n'ya!

"Hindi ako pagkain!"

"Hindi naman kita lalamunin ng buo eh! Kakagat lang ako!" Lord, please help me.

Napailing ako ng madaming beses. "Wag ako ang kagatin mo! Ano bang nangyayari sa'yo?"

Bigla s'yang napakamot sa ulo habang nakapout. "Hindi ko alam. Basta para bang...gusto ko laging makita yung mukha mo. Tapos parang ang lambot lambot pa to the point na para ka ng pagkain or marshmallow."

"Marshmallow? Baka naman gusto mo ng marshmallow? 'Y-yun na lang ang ibibili ko sa'yo? Payag ka?"

"Hmm...sige!" Para s'yang bata.

"L-lalabas lang ako para bumili ah, d-d'yan ka muna sa couch."

"Okay!" Naglakad s'ya papuntang couch at umupo. Agad-agad naman akong tumakbo palabas.

----

"Ang dami naman n'yang binili."

"Oo nga eh. Kahit na matakaw, ang macho pa rin n'ya at ang pogi pogi!"

"Yeah. I agree!"

Kanina pa 'ko nakakadinig ng bulungan na ako ang pinag-uusapan. Lumabas na ako ng grocery at hiyang-hiya na nagdadala ng anim na supot ng marshmallow. Dinamihan ko na yung bili para masigurado ko na hindi agad mauubos ni Lory at para hindi n'ya 'ko kagatin ulit.

Pagkadating ko sa bahay, nakita ko s'yang nakaupo pa rin sa couch pero kagat-kagat ang unan. Pati yung unan, hindi n'ya pinatawad.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!