a/n: tanong galing kay: Kwangminjo

question #1: Lory,papayag ka ba kung makiki-affair ang asawa mo sa iba?

Lory's answer: NO! Sasabunutan ko ang magiging babae n'ya if ever na ginawa n'ya 'yon!

question #2: Grey, sigurado ka bang si Lory na ang huling babae ng buhay mo?

Grey's answer: I'm absolutely sure ^___^

----

Chapter 19

Pumunta na kaming dining room. Umupo na s'ya at umupo din ako sa tapat n'ya.

"Anong ulam?"

"Ampalaya, pampalusog 'yan sa katawan."

"Ano?! Gulay?! Gulay ang ulam ngayon?!"

"Hindi, prutas." Poker face kong sinabi sa kanya saka ko hinimas ang pisngi ko na kinagat n'ya kanina.

  

"Wag mo nga 'kong pilosopohin! Basta ayoko ng gulay!" Haaay! Ang hirap n'yang pakisamahan pagdating sa pagkain.

"Eh paano 'yan, magugutom si baby?"

"Ah ganun?. Si baby lang pala ang inaalala mo." Inis n'yang ibinulong.

"Ano 'yun? 'Di ko narinig."

"Heh! Wag mo 'kong kausapin!" Nagsandok na s'ya ng kanin at ulam.

Mainitin ba talaga ang ulo ng mga buntis?

Pagkatapos naming kumain ay ako na ang naghugas ng plato. Pumunta na kami sa kwarto at hindi n'ya pa rin ako kinikibo.

Pati sa paghiga sa kama ay nakatalikod s'ya sa'kin.

"Uy Honey." Kinakalbit ko s'ya.

"Ano?! Matutulog na yung tao eh!"

"Ang sungit naman." Daig n'ya pa ang bulkan na sumabog.

"Ewan ko sa'yo! Diba sabi ko wag mo 'kong kakausapin?!"

"Okay." Tumalikod na 'ko sa kanya. Tingnan natin kung matiis mo 'ko.

Wala pang limang minuto ay nagsalita agad s'ya. "Sino nga pala yung kausap mo sa phone kaninang umaga?" Hindi ako sumagot. "Hoy tinatanong kita!" Hindi ulit ako sumagot. Gusto kong pagtripan 'tong asawa ko haha. "Hoy ano ba?!" Inis n'ya 'kong kinalbit.

"Diba sabi mo hindi kita kakausapin?" Sabi ko habang nakatalikod pa rin. Ano kaya yung reaksyon n'ya?

"Ay oo nga pala! Binabawi ko na! Humarap ka sa'kin!" Tingnan mo 'to, napakasiga mag-utos. Sinunod ko s'ya, humarap ako. "Sino nga yung kausap mo kanina sa phone? Yung tinatawag mo yatang m-mommy?"

"Ah, nanay mo 'yun. Gusto kasi n'ya na mommy na ang itawag ko sa kanya tutal mag-asawa na din naman daw tayo."

Napangiti s'ya. Ang ganda n'ya talaga. Mukhang napansin n'ya na nakatitig lang ako sa kanya. "Bakit?"

"Wala lang. Ang ganda mo kasi eh." Walang halong biro.

Napansin kong namula ang pisngi n'ya kahit na medyo madilim na. May liwanag pa rin naman kasi galing sa bintana.

"A-alam ko namang maganda ako noh! Matagal na!"

Tumawa ako ng mahina, yung sakto lang. "Eh bakit namumula yung pisngi mo?"

Bigla s'yang tumalikod. Nahiya siguro sa'kin haha. "H-hindi kaya!"

Niyakap ko s'ya mula sa likod n'ya. "Okay lang 'yan. Mas nagiging cute ka nga eh."

"Hmp! Talaga lang ah?"

"Oo naman."

Mga 10 minutes ang katahimikan bago ako magsalita.

"Honey tulog ka na ba?"

"Hindi pa."

"Uhmm.. Gusto mo bang umuwi na tayo bukas? Ibabalita na rin natin sa kanila na may baby na tayo."

"Talaga? Uuwi na tayo?" Ramdam ko sa boses n'ya na masaya s'ya.

"Yup. Mas magiging masaya tayo dun kasi nandun yung mga maiingay nating kaibigan."

  

"Oo nga. Salamat Grey ha---"

"Honey." Pagcocorrect ko.

"Ah---I mean, Honey. Thank you."

"For what?" Pakunwari pa ako eh haha.

"For everything." Humarap s'ya sa'kin habang nakangiti. "Ilang weeks lang tayo dito pero feeling ko, nagtagal tayo dito ng isang taon. Kaya ganun kasi ginawa mong memorable yung days natin at wala kang pinapalampas na oras, talagang ginagawa mo ang lahat para mapasaya ako." Si Lory ba talaga 'tong kausap ko?

Napahinga ako ng malalim at ngumiti sa kanya. "Buti naman naging masaya ka. Naging masaya na rin ako."

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!