Chapter 9

"Magkasama kayo sa iisang bahay?!" Gulat na gulat na tanong ni A. Ang kulit n'ya! Kung wala lang siguro akong sugat at kung hindi lang sana ako medyo nanghihina, kanina ko pa s'ya sinabunutan.

Humarap naman si Grey sa tatlong palaka este sa babae. "Maglinis ka nga ng tenga mo, puno na yata ng tutuli eh! Kasasabi ko lang na mag-asawa kami tapos itatanong mo pa kung magkasama kami sa iisang bahay!" Buti nga sa inyo, tikman n'yo ang galit n'ya.

Hindi na nakapagsalita yung tatlo at hinawakan na ulit ni Grey ang kamay ko.

Pero bago kami umalis, humarap ulit si Grey sa mga froglets. "One more thing, lumuhod kayo at magsorry kayo sa kanya!"

"W-what?!"

"Hinding-hindi namin gagawin 'yon Grey!" Oh talaga lang ha?!

"Hindi n'yo gagawin o gusto n'yong matikman ang kamao ko?! Pinangako ko dati na hindi ako papatol sa babae pero mukhang masisira ko ang pangakong 'yon!"

Mukhang natakot ang tatlong ito kaya lumuhod na din sila sa'kin. Haay naku, gusto ko sana silang utusan na halikan ang paa ko pero hindi ko ginawa dahil kahit papaano ay tinatago naman akong kabaitan. Hindi lang halata.

"S-sorry." Nakayuko nilang sinabi, mga mukha silang paa.

"Sa susunod na ulitin n'yo pa ito sa kanya, mas matindi pa ang ipapagawa ko sa inyo!" Madiin na sinabi ni Grey tsaka n'ya hinawakan ulit ang kamay ko at umalis.

Naglakad na lang kami papunta sa bahay dahil hindi naman dinala ni Grey yung kotse n'ya. Tahimik lang kami hanggang makarating doon. Natatakot akong kausapin s'ya. Baka kasi galit s'ya sa'kin dahil puro pasakit ng ulo ang binibigay ko sa kanya katulad na lamang din nung kagabi na muntik na 'kong marape at yung ngayon naman na pinagtulungan ako ng tatlong unggoy na babae. Mukha talaga silang unggoy na pinaghalong palaka.

Haay, bakit ba ang sensitive ko?! Naiiyak na naman ako ngayon! Hindi naman ako ganito ah?!

Pagkadating namin sa bahay, pumunta lang kami sa salas at ako naman ay umupo sa couch.

"G-grey, I'm sorry, hindi ko na---" Naputol ang sasabihin ko dahil bigla na lang s'yang umalis. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh! Nakakainis ka Lory!

'Di ko na napigilan, tumulo na ang luha ko. Naiinis ako sa sarili ko. Hindi naman ako mahilig umiyak pero bakit ganito?! Always na lang!

Nagulat naman ako nang maramdaman kong may tumabi sa'kin. Nakita ko s'yang may dalang bulak at isang baso na may lamang tubig. Binasa n'ya yung bulak dun sa tubig at pinupunasan n'ya ngayon yung mga kalmot sa'kin na may konting dugo.

"S-sorry Grey, sorry kung napaaway ako. Hindi ko naman sinasadya eh, bigla na la---"

"Bakit ikaw ang nagsosorry? Ako nga dapat ang gumawa n'yan. Sorry kung iniwan kita saglit dun sa restaurant kanina. 'Di ko kasi alam na sasaktan ka nila eh."

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!