Chapter 6

Napanganga ako ng malaki at halos lumuwa na ang eyeballs ko. "What?!" Natawa s'ya dahil sa reaksyon ko.

Kung  inuupakan kaya kita?! "Hindi ako natutuwa Grey!"

Tuloy-tuloy pa rin s'ya sa pagtawa kaya umalis na 'ko doon. "Bahala ka d'yan!!!" Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta kailangan kong makalayo doon. Hmp! Kainis! Nanggigigil ako sa kanya! Impakto s'ya! 

----

Grey's POV

Pagkatapos kong tumawa, saka ko lang namalayan na wala na pala sa tabi ko si Lory.

Teka, nasaan na 'yun?! Tss, napikon agad. Hay naku, kailangang mahanap ko agad 'yon! Gabing-gabi na atsaka babae s'ya. Baka kung ano pang mangyari sa kanya.

Habang naglalakad, ramdam ko ang simoy ng hangin, napakalamig. Tss, baka lamigin na din si Lory.

Kung saan-saan ba naman sumusuot, ayan tuloy baka mahirapan pa 'kong hanapin.

----

Lory's POV

  

Kanina pa 'ko naglalakad pero hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Basta isa lang ang iniisip ko habang naglalakad: NAIINIS AKO KAY GREY KASI HINDI N'YA KO SINUNDAN! 'Di ko na alam kung saan yung daan pabalik. Nakakalito naman kasi dito eh. Ang dilim pa naman ngayon! Nakakainis! Hindi naman talaga ako duwag na tao pero nakaramdam ako ngayon ng takot! Ewan ko ba kung bakit! Basta nakakaasar!

Tuloy-tuloy pa rin ako sa paglalakad kahit na medyo napapagod na 'ko. 'Di katagalan, naramdaman ko rin ang pagod Naiiyak na 'ko!  

Balak ko na sanang umupo kaso may nakita akong tao sa 'di kalayuan. Yes! Sa wakas! Nakakita din ako! Thank you very much Lord! Akala ko katapusan ko na! Buti na lang talaga may tao!

Lumapit ako dun sa lalaking nakatalikod. "Uhmm.. Kuya saan po ba ang daan papunta sa Coastal Homes Subdivision?"

Humarap naman yung lalaki at sana hindi ko na lang s'ya kinausap. Nakakapansisi na tinawag ko pa s'ya. May dala s'yang parang plastic na may lamang...shabu, kung hindi ako nagkakamali.

"Ah sige miss, sumama ka sa'kin. Ituturo ko sa'yo." Inakbayan n'ya 'ko. Nagsimula nang tumibok ng mabilis yung puso ko. Kinakabahan ako ngayon, sobra.

"Ah--eh" Inalis ko yung pagkakaakbay n'ya. "Alam ko na po pala yung daan. Sige po, salamat na lang po." Aalis na sana ako kaso hinawakan n'ya 'ko ng mahigpit sa wrist.

  

"Samahan na kita. Wala naman akong ginagawa eh."

Hinila ko pabalik ang braso ko. "Bitawan mo 'ko!" Tumakbo ako palayo. Kamalas-malasan ko nga lang ay nahihirapan akong tumakbo dahil sa heels ko at sobrang haba ng gown ko dahilan para maabutan ako ng lalaking adik. Hinila n'ya ko sa buhok.

"Sabi ko naman sa'yo eh, sumama ka na sa'kin! Magiging mabait naman ako eh! Hindi kita sasaktan!" Baliw pala 'to eh, hindi daw ako sasaktan pero sinasabunutan n'ya na ako ngayon.

"Bitawan mo ako!" Nangingilid na ang luha ko. "Tulong! Tulungan n'yo ako! Tulo--hmp!" Tinakluban n'ya ang bibig ko gamit ang isang kamay n'ya.

Ang baho ng kamay n'ya! Halu-halo na ang amoy! 


"Tumahimik ka na lang! Wala nang makakarinig pa sa'yo ng ganitong oras!"

Oo nga, wala na sigurong mga taong gising ngayon.

Tuluyan nang pumatak ang luha ko dahil sa takot. 

Habang hinihila n'ya ko, biglang pumasok sa utak ko si...Grey!

Grey, tulungan mo ako please.

Inaamoy-amoy na ako nung lalaki at hahawakan n'ya na sana ako sa isa sa aking private part pero...

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!