a/n: Dedicated to her. S'ya ang gumawa ng cover na nasa side. Ganda 'no?

-----------------------------------------------

Chapter 33

Tumakbo si Sazer papunta sa kotse n'ya. Hindi ako nagdalawang-isip na sumunod. Maingat n'yang inilagay si Malan sa loob ng kotse at sumakay na din s'ya. Pero bago s'ya tuluyang makaalis ay lumapit ako.

"S-sasama ako Sazer!"

Tumingin s'ya sa'kin, nakikita ko sa mga mata n'ya na sobrang nasasaktan s'ya. Marahil nga ay dahil sa nangyari kay Malan.

"Bakit ka pa sasama?" He told me seriously.

  

Galit s'ya. Sobrang galit s'ya. Ngayon ko lang s'yang nakitang ganito.

"K-kase...kaibigan ko s'ya..." May pumatak na luha sa pisngi ko. Hindi ako papayag na hindi n'ya ako isama. Ako ang may kasalanan kaya dapat ay malaman ko kung magiging ligtas si Malan. "Please?"

Napaiwas s'ya ng tingin. "Make it faster. Kailangan na s'yang madala agad sa ospital."

"T-thank you." Sumakay na din ako sa pwesto sa tabi ni Malan.

She's so fragile.

Hindi ko s'ya magawang hawakan dahil natatakot ako na masaktan s'ya.

  

"M-malan...I'm sorry...I'm so sorry."

"L-lory..." Napatigil ako sandali at nakita ko s'yang half-open ang mga mata.

"M-malan...sorry talaga. Sorry. Sana mapatawad mo pa 'ko Malan. Hindi ko ginusto 'to." Dahan-dahan kong hinawakan ang isang kamay n'ya. Ang sakit sakit na makita s'yang ganito. Dati iniisip ko pa lang na sana ay maglaho na s'ya sa buhay ko pero ngayon, hindi ko pala kaya.

"Y-you don't need...to s-say...sorry. Ako dapat...ang m-magsorry.." Hirap na hirap s'yang magsalita at pinipilit n'yang imulat ang kanyang mga mata.

"Okay na Malan. Hindi na ako galit sa'yo. But please, wag kang bibigay. Lumaban ka ha? Please don't die. Please, please."

Binigyan n'ya lang ako ng isang ngiti at may tumulong luha sa mata n'ya. Then, pumikit na ulit s'ya, mukhang nawalan ng malay.

----

  

"Tulungan n'yo kami!!! Nabunggo s'ya!" Sigaw ni Sazer. Lumapit agad sa'min ang mga nurse. Inihiga si Malan sa stretcher at agad na ipinasok sa emergency room.

"Dito na lang kayo. Kami na po ang bahala sa kanya."

"Please, i-save n'yo s'ya at yung baby namin."

"Gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya." Pumasok na sa loob ang nurse. Napasandal si Sazer sa pader.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!