a/n: tanong galing kay MichaelCabaddu:

question # 1: Lory, what if one day you wake up that you really love Grey?

Lory's answer: *Nagsalpak ng headphone sa tenga* Ha? Anong tanong mo? Wala akong narinig.

question #2: Grey, is it possible for you to fall in love with Lory?

Grey's answer: I don't know. Pero pwede din hahaha!

----

Chapter 11

"Grey hindi ka na ba kakain?" Sigaw ko pero hindi s'ya sumagot. Nagtampo na nga yata yung lalaking ' yun! Ano ba 'yan! Nakakaasar! 

Aba! Bakit parang nakokonsensya ako?! Dapat nga ako yung magwawalk-out eh kasi naiinis ako sa kanya!

Pero ano 'to? Naging baligtad?!

"Hoy Grey, nagagalit ka ba?!"

Hindi na naman s'ya sumagot! Napipikon na 'ko!

Ayoko na ngang kumain! Nakakawalang gana! Bwisit!

Naligo na lang muna ako para maging fresh ang utak ko. Pagkatapos ay pumunta na lang muna ako sa salas para manood ng tv. Mga 20 minutes ay tumunog ang pinto ng kwarto. Nakita ko s'yang kalalabas lang at bagong ligo. Kahit simpleng shirt, bakit ang gwapo pa rin---never mind.

Nagkatinginan lang kami pero bigla s'yang umiwas ng tingin.

"Ano bang problema mo Grey?!"

Hindi n'ya sinagot ang tanong ko. "Diba ililibre kita ng ice cream? Tara na." Cold n'yang sinabi.

Hayyss! Ano ba 'yan! 'Di ako sanay! Mas prefer ko yung palangiting Grey!

Dapat eh naeexcite ako dahil makakain ako ng ice cream pero bakit ganito?! Nakabusangot yung mukha ko!

Lumabas na kami ng bahay. Akala ko ay hahawakan n'ya ang kamay ko pero hindi pala. Nauuna pa nga s'yang maglakad sa'kin.

Hindi ko na lang 'yon pinansin. Sumunod na lang ako sa kanya kung saan s'ya pupunta.

Akala ko mapapangiti na 'ko dahil nandito na kami pero nakabusangot pa rin yung muka ko!

Ano bang problema mo Lory?!

"Ma'am, sir, ano pong order n'yo?" Lumapit sa'min ang babaeng naka-cosplay. Eto kasi yung theme dito sa ice cream parlor shop eh.

"Uhmm.. This one." May tinuro si Grey dun sa menu. "Vanilla sundae."

"Ano naman po sa inyo ma'am?"

Dahil sa hindi maganda ang mood ko ngayon ay..."Bigyan mo 'ko ng tig-dadalawa ng bawat ice cream n'yo dito!" Manlumo ka sana Grey. Hmp!

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!