a/n: tanong galing kay BlueStragglers

question: Grey pano pag inakit ka ni Malan, magpapaakit ka ba?

Grey's answer: 'Pag ikaw yung nang-akit, I'm sure maaakit ako *smirk*.
 

----> si Lory yung nasa picture

----

Chapter 23

Natulala ako sa sinabi n'ya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

'I love you Honey'

Hindi ko alam kung bakit...tuwang-tuwa ako ngayon nang marinig ko ang mga salitang 'yun. Feeling ko nga nangingilid yung luha ko sa tuwa eh. Ang saya, ang sarap sa pakiramdam. Para akong lumulutang sa ere. Nakatingin sa'kin ang lahat ng tao. May mga nagbabagsakan na petals, ang ganda ng kulay ng mga ilaw. Madaming tao. Ang ganda ng buong paligid. Ang gandang surpresa nito sa'kin. Ang ganda---'yun ang tamang word para i-describe kung ano ang meron ngayon. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang ngumiti s'ya sa'kin.

Is this what they call Love?

Love na ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya? Uhmm...maybe? Or not?

Oo nga, siguro nga inlove na talaga ako sa kanya.

Pero hindi ko pa din alam eh. Naguguluhan ako.

"Ano nang sagot mo?" Tanong n'ya na halatang kinakabahan. Pinagpapawisan pa nga eh.

Nagkantiyawan naman yung mga tao.

  

"Sagutin mo s'ya!"

"Diba mahal mo din s'ya?"

"Ayiiee! Bagay kayo!"

Hindi naman tanong yung salitang 'I love you' pero bakit kailangang may sagot?

Lord, help me. Sana hindi ako magsisi sa mga salitang bibitawan ko. Kayo na po ang bahala.

"Parang awa mo na, sagutin mo na s'ya!"

"Waahhh! Ako yung kinakabahan sa inyong dalawa eh!"

"Ano na kayang sasabihin n'ya?!"

Tumungo ako. "O-oo na nga!" Dahil doon ay napatahimik ang lahat. Parang kabayo na nagkakarerahan ang tibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko kung gaano kabilis 'to.

"Ang slow mo naman eh!" Napatungo ako. "M-mahal nga din kita." Pabulong kong sinabi.

"A-ano? 'Di ko narinig."

"Ang bingi mo!"

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!