a/n: Wala na pong mga tanong sa characters, mauubos lang kasi ang oras ko dun, mas maganda nang update na lang nang update, okay?

----

Chapter 28

Malan's POV

Hawak ko ang dalawang picture na ipina-develop ko kahapon kasama si Sazer. Eto yung picture na magkahawak ang kamay nila sa foodcourt at eto namang isa yung sa...kiss.

Muntik ko na itong mabitawan nang biglang may kumatok.

"T-teka lang!" Agad ko itong itinago sa aking drawer. Binuksan ko yung pinto. "G-grey? May ipag-uutos ka ba?" 

"Ipagluto mo si Lory ng almusal bago s'ya magising. Kailangan ko na kasing umalis."

"S-saan ka pupunta?" 'Pag tuwing s'ya ang kausap ko, para akong laging natataranta. Siguro nga ay dahil sa tinamaan ako sa kanya.

"Sasabihin ko na kay dad na magli-eave na 'ko sa trabaho. Mas kailangan ako ni Lory ngayon."

"Ah g-ganun ba? Sige magluluto na 'ko." Hindi na s'ya nagsalita pagkatapos. Umalis na din agad s'ya. Bakit gan'on? Napaka-formal n'yang makipag-usap sa'kin. Paano kaya kung sakaling gumana nga ang plano ko? Magiging masaya kaya ako gayong napaka-cold n'ya sa'kin?

Kinuha ko yung cellphone ko at nagtext.

To: Sei

~Gusto mo pa bang ituloy natin 'to Sei?

 

----

Third person's POV

Nang mareceive ni Sazer ang text ni Malan ay nagtaka s'ya kaya tinawagan n'ya ito.

"What do you mean?"

("Para kasing ano...ayoko na.")

"What?!" 'Di tuloy mapigilan ni Sazer na mapatawa. "This is no time for your jokes."

"Hindi ako nagbibiro!" Seryoso nga talaga s'ya?!

"Oh c'mon! 'Di pa nga tayo nagsisimula pero susuko ka na agad?!"

  

("Ang bait naman kasi ni Lory sa'kin atsaka tingin ko, hindi magiging maayos ang pakikisama sa'kin ni Grey kung sakaling ano...'yun na nga...kung sakaling gumana yung plano natin.")

"Dahil lang sa mabait sa'yo si Ry-ry, aayaw ka na agad?!" 'Nakakainis naman 'tong babaeng 'to, walang kwenta.' Sa isip-isip ni Sazer.

("Ayoko kasing masira ang friendshi---")

"Wala sa mga dahilan mo 'yan. Kung saan mo tingin na magiging masaya ka, doon ka. Gusto mo pa bang maging sa'yo si Grey?"

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!