a/n: tanong galing kay bakitkasiikawpa: Lory, gaano kagwapo sa paningin mo si Grey? XD

Lory's answer: Hindi s'ya gwapo! Mukha s'yang aso!

----

Chapter 10

Lory's POV

Pumasok na kami sa bahay. Medyo giniginaw na rin kasi ako eh at tsaka inaantok na 'ko. Pumasok na kami sa kwarto. Medyo malaki naman yung space ng kama.

"Hoy! Wag na wag kang magbabalak na may gawing masama sa'kin ha! Kundi masasapok kita!" Pagbabanta ko sa kanya habang pinapakita ko sa lanya ang kamao ko na kasalukuyang nakakuyom. Subukan n'ya lang talagang maging malikot! Papatayin ko s'ya!

"Huh?" Bigla s'yang natawa. "Haha! Eh diba may nangyari na rin naman sa---"

"Lalala! Wala akong naririnig!" Tinakluban ko yung tenga ko. Nahihiya kasi ako 'pag naalala ko 'yon. Tarantado 'tong lalaking 'to! Pinaalala pa sa'kin yung nangyari kagabi!

"Hahaha! Oo na, sa susunod na lang ulit." Sabi n'ya pero nadinig ko naman kahit may takip yung tenga ko.

"Anong sa susunod na lang ulit?!" Pinandilatan ko s'ya ng mata.

"Oh? Akala ko ba wala kang naririnig?"

Tumingin ako sa ibang direksyon. "Leche! Matutulog na nga ako!" Humiga na 'ko sa kama. Isiniksik ko ng maigi yung sarili ko dun sa kabila. Medyo malapit na nga akong mahulog eh.

Naramdaman ko na ding humiga s'ya. Ilang segundo lang ang lumipas ay nagulat ako kasi bigla n'ya 'kong niyakap palapit sa kanya.

"H-hoy! A-anong ginag---"

"Wala naman akong virus para layuan mo 'ko."

"W-wag mo nga akong yaka---"

"Kapag nag-ingay ka pa, mauulit yung nangyari sa atin kagabi."

Napaurong naman ang dila ko. Ikaw kasi Lory, tumahimik ka na nga!

----

Kinabukasan ay nagising ako ng 8:47 ng umaga. Wala na s'ya sa tabi ko. Saan naman kaya nagpunta yung alien na 'yun?!

May naaamoy akong mabango. Hmmm...

Sinundan ko lang yung amoy at nakarating ako sa kitchen. Nakita ko s'yang may sinasalin sa plato. Wow, pancit canton for breakfast!

"Anong flavor 'yan?" 'Di ko napigilan magtanong.

"Chilimansi." As usual, nakangiti na naman s'ya.

Wow! Gusto ko n'yan!

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!