Chapter 3

"Tapos ka na bang magluto? Nagugutom na kasi ako eh."

Grabe, nakakahiya naman sa kanya. "Opo! Kakain na po tayo!" Inihain ko na yung maling. Iyon ang ulam namin eh for breakfast.

Umalis muna ako para pumuntang cr. "Saan ka pupunta?" Tanong n'ya. Feeling close na agad s'ya sa'kin! Kapal muks!

"Magtu-toothbrush lang po muna 'ko!"

"Ah sige." He said bago ako makaalis.

Pagkatapos kong magtoothbrush, siyempre nagsuklay muna 'ko at pumunta na sa dining room.

"Bakit 'di mo pa ginagalaw yung pagkain mo?"

Ngumiti s'ya na parang wala ng bukas. "Hinihintay kita eh." 

"Tss." Nagstart na kaming kumain. Maya-maya ay naramdaman kong kumikiskis ang paa n'ya papunta sa legs ko.

"Ano ba naman 'yang paang 'yan?!" Hindi n'ya ko pinansin. Tinuloy-tuloy n'ya lang 'yun. Medyo nakakakiliti nga eh.

"Ay nahulog!" Nalaglag yung kutsara n'ya pero parang sinadya n'ya 'yon. I'm not really sure.

Kinuha n'ya 'yon pero nagtataka ako kung bakit ang tagal n'ya doon.

"Hoy ano bang ginagawa mo d'yan?!"

"Hmm..sexy.."

"Bwisit ka!" Napatayo ako bigla dahil sa gulat at inis. "Napakamanyak mo! H'wag ka ngang manghawak ng legs!!!"

"Huh?" Maang-maangan n'ya. "Hindi naman ako nanghahawak ah."

"H'wag ka ngang magsinungaling! Naramdaman ko pa nga yung kamay mo eh!"

"Bakit naman kita hahawakan dun?"

Napatigil ako. Baka naman imahinasyon ko lang 'yon?!

Eh bakit parang totoo talaga?!

"Tss! Wala na 'kong ganang kumain. Ikaw na lang muna. Pakiligpitan na lang yung plato pagkatapos mo!" Umalis na ako doon at bumalik sa kwarto. After a few minutes ay bigla namang nagring yung cellphone ko.

"Who's this?!"

("Hindi ka talaga nag-aabalang tingnan yung screename---")

"Oh ma?! Ano naman ngayon?!"

("Naku! Bastos talaga 'to.") Siyempre mana sa'yo. ("Anyway, nasabi ko na naman sa'yo na next next month pa ang kasal n'yo diba?")

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!