Chapter 32

Lory's POV

Nagtagal ako ng 3 days sa ospital bago ako tuluyang makalabas. Kasama ko pa rin hanggang sa bahay ang mga kaibigan ko pati na rin si mama at ang kuya ni Emerald na si Gian.

"Salamat ha? Kung gusto n'yong umuwi, umuwi na kayo. Alam ko namang may iba pa kayong gagawin eh atsaka wag na kayong mag-alala, I can take care of myself." Sabi ko sa mga kaibigan ko pagkaupo ko pa lang sa kama.

"Sorry Lory ha? May kailangan pa kaming asikasuhin sa bahay ni Scarlet eh."

"Oo nga eh. Aalis na kami ha?"

"Ano ba kayo? Ayos lang. Sige na, ingat kayo."

"Bye." Bago sila tuluyang umalis, lumapit silang dalawa kay Gian.

"Bye Gian. Hindi pa eto ang huli nating pagkikita."

"Yup. Magiging asawa pa kita."

Eto na naman sila.

"Psh." Reaction ni Gian.

"Babye! I love you!" Humalik sila sa magkabilang pisngi ni Gian.

Kinikilig pa sila habang palabas while si Gian ay...shocked.

"Wow kuya! Marami ka ng babae ngayon ah?" Tukso sa kanya ni Emerald.

"Heh! Magtigil ka nga! Umuwi na nga din tayo!" Hinila nito ang wrist ni Emerald.

"Sus! If I know, susundan mo lang yung kambal kuya eh!"

"Tsk! Asa!"

"Haha joke lang! Sige na Lory, makulit si kuya eh!"

"Sige! Ingat din!"

Pagkaalis nila ay nagpaalam na din si Trisha at Hannah. Si mama naman ay pinabalik ko na sa bahay n'ya kahit na ayaw pa n'ya. Si Mae na lang ang natitira dito.

"Oh bakit ayaw mo pang umuwi?"

"Wala kang kasama dito. Sasamahan muna kita."

"Ha? Hindi ba mag-aalala sa'yo ang mga magulang mo?"

She laughed, a fake one. "Para namang sinabi mong pink ang orange kung mangyayari 'yun."

Nga pala, hindi n'ya nga pala nakakasundo ang parents n'ya.

"Ah bahala ka. Wala ka namang magagawa dito eh." Paglalayo ko ng topic namin about sa parents n'ya.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!