Epilogue

Lory's POV

Apat na taon na ang nakakaraan nang hindi ko naabutan si Grey sa airport. Ang bilis talaga ng panahon. Para s'yang isang malakas na hangin na dumaan lang. Pero yung feeling ko, nandito pa rin sa puso ko. Hindi mawawala iyon. 

"Mommy! Mommy!" Nakita ko s'yang tumakbo papalapit sa'kin.

"Oh baby bakit?"

"Bili tayo lawuan!!! Eto tv! Robot!"

Natawa ako sa way ng pagsasalita ng anak ko. Tinuturo n'ya pa yung commercial ng laruan na robot sa tv.

"Oo na. Basta behave ka lang d'yan ha? Mamaya tayo aalis."

"Yehey!!!" Tumakbo ulit s'ya papunta sa couch at nanood ng tv.

Masaya ako dahil naging maayos ang panganganak ko. Pinangalanan ko s'yang 'Silver'. 3 years old na s'ya at halatang-halatang si Grey ang daddy n'ya dahil kamukang-kamuka n'ya ito.

Hindi ko na alam kung ilang beses na 'kong umiyak dahil kay Grey. Miss na miss ko na s'ya. Gustong-gusto ko na s'ya makita kaya sinubukan ko dating pumuntang Canada kasama sila Sazer at Malan pero...nabigo lang kami. Hindi namin alam kung saang sulok s'ya hahanapin kaya I decided na bumalik sa Pilipinas pero nagpaiwan sila Sazer at Malan doon.

Kapag tinatanong ako ng anak ko kung nasaan ang daddy n'ya, kung anu-ano ang ginagawa kong dahilan para hindi iyon sagutin. Nakapanood kasi si Silver sa isang tv show tungkol sa family kaya ayun, madalas na n'yang itanong sa'kin ang mga bagay tungkol sa daddy n'ya.

"Hi Silver! May pasalubong ako sa'yo!" Dumating si Mae nang may dalang marshmallows.

"Ninang!!!" Agad na lumapit ang anak ko kay Mae at kinuha ang mga supot ng marshmallows.

"Oy kiss mo muna ninang!" Kiniss ni Silver sa cheeks si Mae.

"Tenchu ninang!"

"You're welcome." Lumapit sa'kin si Mae at tumabi sa kinauupuan ko. "Ang cute talaga ni Silver! Dapat naging anak ko na lang s'ya!"

Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Paano ka magkakaanak kung wala kang asawa or kahit boyfriend man lang?"

"Hoy! May boyfriend kaya ako!"

Napatingin ako sa kanya habang nandidilat ang mga mata. "Bakit ngayon mo lang sinabi?! Ikwento mo naman!!!"

"Natatamad akong magkwento. Next time na lang."

"Napakadaya!"

"Haha. May pagkain ka ba d'yan?" Ang takaw talaga nitong babaeng 'to.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!