a/n: tanong galing kay- ianne_aclaro

question: paano kung black mail ka ni Malan para iwan mo si Lory? Ipaglalaban mo ba s'ya?

Grey's answer: Wala s'yang pwedeng ipangblack mail sa'kin. (Ano ba yang tanong n'yo, masyadong serious XD Gusto ko yung kalokohan)

-----

Chapter 24

Lory's POV

Nagising ako ng wala na sa tabi ko si Grey. Maagang nagising siguro. "Honey?"

Walang sumagot. Bumangon ako at agad na dumiretso sa cr. Nagtoothbrush na 'ko at naghilamos.

"Honey?" Pagtawag ko pero wala pa ring sumasagot. Nasaan na ba yung lalaking 'yun? May nakita akong papel sa table. Binasa ko ang nakasulat.

'Honey, nagtatrabaho ako ngayon. Gusto ko kasing magkaroon ng pera sa sarili kong kamay at paa. At tsaka gusto kong makabili na din ng mga gamit ni baby, ayoko namang humingi kay dad, nahihiya na din ako pero don't worry, sa building lang naman ni dad yung pinagtatrabuhan ko eh. Mga gabi na ako siguro makakauwi. I love you :*'

  

Nalungkot ako kasi nagtrabaho na pala s'ya. Wala na tuloy akong kasama ngayon.

"Ma'am kakain na po ng breakfast."

Meron pa nga pala. Tsk.

----

Grey's POV

"Oh bakit naman naisipan mong magtrabaho? Kulang ba ang binibigay ko sa'yong pera?" Sabi ni dad habang nakatuon ang atensyon n'ya dun sa mga papel.

"Hindi po. Siyempre mas maganda pa rin po yung may nagagawa ako sa asawa ko. And dad, magkakaroon na kami ng anak. Gusto ko yung ipanggagastos ko sa kanila ay yung perang pinaghirapan ko."

Napatingin s'ya sa'kin at ngumiti. "I'm so proud of you. Sige, titingnan ko kung saan kita pwedeng i-hire."

Kasunod niyonn ay biglang may kumatok.

"Come in."

Pumasok ang isang babae. Mukhang secretary yata ni dad. "Sir, gusto na pong magleave ni Mr. Laguardia---"

"Sakto!" Napangiti ako. Buti na lang talaga ay may nagresign na. Napatingin naman sa'kin ang sekretarya at si dad naman ay ngumiti.

"I think ngayon ka na magsisimula."

----

Lory's POV

Natapos na 'kong kumain. Pumunta muna ako sa salas para makapanood ng tv.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!