a/n: tanong galing kay: Lovestoryofyouandme

question: ate Lory, kuya Grey, anong gusto mong gender ng baby?

Lory's answer: Girl!

Grey's answer: Boy!

----

Chapter 20

Lory's POV

"Friend!!!"

"I miss you!!!"

"Oy nandito ka na pala!"

"Lory! Papa Grey!!!"

  

'Yan ang salubong sa'min ng mga kaibigan ko sabay yakap sa'kin. Grabehan lang ha? Hindi sila halata na miss na miss na nila ako!

"O-oy si baby, baka maipit n'yo!" Tarantang sinabi ni Honey. Napahiwalay naman agad sila Scarlet. Ano ba 'yan, pinangunahan agad ako ni Grey!

"Baby ang tawag mo kay Lory?" Tanong ni Hannah.

"Nope. Honey ang tawag ko sa kanya." Nagkaroon ng question mark face ang mga kaibigan ko.

"Eh sino yung baby na sinasabi mo papa Grey?" Kung maka-papa naman si Violet sa Honey ko! Hmp! Kutusan ko 'tong malanding 'to eh!

Sabay-sabay namang nandilat ang mga mata nila.

"Oh my Gosh! Don't tell me na..."

"YOU'RE PREGNANT?!!!!" They said in chorus. Natatawa akong tumango sa kanila.

"Kyaaah!" Sigaw ng kambal sabay tumalon-talon. Mukhang mas masaya pa sila sa'kin ah?

"Sino yung sumisigaw?!" Biglang lumabas ang nanay ko na mukhang kagigising pa lang. Aburido ang mukha eh.

Sa bahay n'ya kasi kami naisipang pumunta. Tapos nalaman ko na dito pala nakikitulog ang mga kaibigan ko. Trip lang daw kasi nila.

"Ah hehe sorry po." Nagpeace-sign yung kambal.

"Ayos lang. Ano bang meron?" Tanong ni mama.

Bago pa kami makasagot ni Grey, nauna na ang mga kaibigan ko.

"Buntis po si Lory!"

Mula sa pagkukusot ng mata ni mama ay bigla s'yang napadilat. Nagulat s'ya nang mapansin na nandito na kami ni Grey. "Talaga anak?! Buntis ka na?!" Lumapit s'ya sa'kin.

"Ay hindi po ma! Nagjojoke lang s'ya!" Note the sarcasm.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!