Chapter 5

"Binitin mo 'ko." Sabi ko kahit tulog na s'ya. Kinuha ko na lang yung kumot n'ya at itinaklob sa katawan n'ya. Pumunta ako sa salas at doon na lang nahiga sa couch.

----

Lory's POV

Kinabukasan ay tanghali na 'kong nagising. Argh! Bakit napakasakit ng ulo ko?!

Habang hinihilot 'ko ang ulo ko, bigla kong naalala ang nangyari.kahapon.

Si Grey! A-anong ginawa ni Grey sa'kin?! 

Napatingin ako sa suot ko, nakadamit pa naman ako eh. Haaay, buti naman.. Akala ko nirape na 'ko ng lalaking 'yon! Next time talaga hindi na 'ko iinom ng madami!

Muli akong napatingin sa damit ko. Teka, eto nga pala yung dress na suot ko nung nagpunta kaming bar ah!

Biglang kumulo ang tyan ko. Nagugutom na ako. Hindi nga pala ako nakapagtanghalian at nakapaghapunan kahapon. Makaligo nga muna. Grabe, napakasakit talaga ng ulo ko! 

Pagkatapos kong maligo. Dumiretso na ako sa kusina para makapagluto sana ng breakfast kaso nakita ko s'yang nakasuot ng apron.

"Good morning." Bati nya sakin habang nagluluto s'ya.

"Tss! Masipag ka yata ngayon?!" Umupo ako dun sa upuan. Ano 'to himala?

  

Ngumiti lang s'ya sa'kin. Naiirita ako sa ngiti n'ya, ang manyak kasi. "Ipinagtimpla kita ng kape. Inumin mo 'yan, makakabawas 'yan sa sakit ng ulo mo."

Napatingin ako sa kapeng nasa harap ko. Kinuha ko 'yon. "S-salamat.." Nahihiyang sinabi ko sa kanya. 'Di ako sanay magpasalamat.

Ngumiti lang ulit s'ya. Maya-maya ay tapos na s'yang magluto. Tutulungan ko sana s'yang maghain kaso sabi n'ya, s'ya na lang daw. Scrambled eggs ang niluto n'ya at sinangag na kanin.

"Saan ka bumili ng itlog?"

"Nagpabili ako sa mga tauhan ni dad sa grocery. Bumili na rin ako ng iba pang kakailanganin kasi wala ka ng stock eh."

Napapangiti naman ako ng wala sa oras dahil sa ginawa n'ya. May kabaitan din palang tinataglay itong lalaking 'to noh? Akala ko puro kamanyakan lang.

"Mas maganda ka pala kapag nakangiti ka." Ramdam kong nag-init ang dalawang pisngi ko. "You're blushing." Sabi n'ya habang natatawa-tawa.

"Che!"

Nang maihain n'ya na ang pagkain ay nagstart na kaming kumain. Grabe, sobrang daldal n'ya pala.

"Grey.."

"Hmm?"

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!