Chapter 27

Grey's POV

Bakit ba nakita ko na naman ang pagmumukha n'ya?! Tss. And mas worse na kasama pa n'ya ang asawa ko!

7 years na ang nakakalipas since nang makita ko s'ya. Sa lahat ng magpipinsan sa'min, kami lang ang hindi magkasundo.

Napaupo ako sa couch. I'm trying to calm myself. As much as possible, ayoko munang pairalin ang galit ko.

Ang tanga ko, bakit 'di ko muna pinag-explain si Lory?! Atsaka bakit ko s'ya tinakot kanina?! For God's sake! Buntis yung asawa mo Grey! I'm so stupid!

Tumayo ako at susundan sana si Lory pero nakita ko yung vase na nabasag kanina.

May dugo..

Nakita ko yung dugo papunta sa kwarto ni Lory. Sh*t!

Tumakbo ako papunta dun at nakita ko s'yang umiiyak. Nakabaon ang ulo n'ya sa kanyang tuhod na yakap-yakap n'ya. Napansin ko din na sa paa n'ya nanggagaling yung dugo.

Binuhat ko s'ya na s'yang ikinagulat n'ya.

"H-honey? A-anong ginagawa mo?"

"Dadalhin kita sa ospital. Baka ma-infection pa 'yang paa mo."

  

Sinandal n'ya lang yung ulo n'ya sa chest ko. Tuloy-tuloy pa rin s'ya sa pag-iyak. "Sorry ha? Hindi ko---"

"Later ka na lang mag-explain atsaka wag kang magsorry. Ako dapat ang nagsasabi n'yan. Sorry Honey, I'm sorry."

Hindi na s'ya sumagot. Ipinasok ko na s'ya sa kotse at pumasok na din ako. Agad kong ini-start ang engine at pinaandar. Gamit ang kanang kamay ko, hahawakan ko sana ang kamay n'ya pero iniwas n'ya 'yon at tinago sa likod n:ya.

"Why?"

"A-ano...Diba dapat dalawang kamay ang gagamitin mo sa pagdadrive?" Sabay punas ng luha n'ya.

"Okay lang naman kung isang kamay lang. Kaya kong magdrive ng ganito lang." Hindi s'ya sumagot. "Let me hold your hand." Nag-aalinlangan s'yang ipahawak sa'kin ang kamay n'ya. "Ayaw mo ba?"

"H-ha? H-hindi naman sa ayaw pero---" Kinuha ko ang kamay n'ya at nang makita ko ang wrist n'ya...

"Bakit namumula ang kamay mo?" Napatigil ako sa pagdadrive.

Tumungo s'ya. "N-naipit lang 'yan, don't worry---"

"You're not a good liar. Please, tell me the truth."

"I-it's you. 'Yan yung naging epekto ng pagkakahatak mo ng mahigpit sa'kin kanina." Nakatingin s'ya sa bintana ng kotse ko.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!