a/n: tanong galing kay MicaPoquiz: Lory, di ka po ba buntis?

Lory's answer: Wag mo 'kong kausapin, busy ako.. -___-

----

Chapter 15

Lory's POV

Nagising ako ng 7:29 ng gabi. Medyo masakit pa rin yung ulo ko pero hindi na katulad nung kanina. Grabe kasi si Grey, tumigil pa sa ulanan. Ayan tuloy ang nangyari sa'kin, nagkasakit ako.

T-teka, may bimpo ako sa noo ko. Sinong naglagay sa'kin nito? Inalagaan n'ya kaya ako?

"Buti naman gising ka na. Ipinagluto kita ng soup." Pumasok si Grey na may dalang tasa.

Hindi ako nagsalita. Umupo lang ako at sumandal sa headboard ng kama.

Tumabi s'ya sa'kin at hinawakan ang noo ko.

"May lagnat ka pa rin pero hindi na ganun kataas. Pasensya na ha? 'Di ko alam na mahina pala ang katawan mo 'pag umuulan. Oh sige na, susubuan na kita." Kumuha na s'ya ng soup gamit ang kutsara. Hinipan n'ya pa 'yun bago isubo sa'kin. Hindi naman ako makapagsalita. Basta parang...ewan ko. I'm speechless.

"Masarap ba yung soup?" Tanong n'ya at tumango lang ako. "Buti naman." Sinubuan n'ya ulit ako hanggang sa naubos na yung soup. Pumunta s'ya sa kitchen para ilagay sa lababo yung tasa pagkatapos ay bumalik s'ya at tumabi sa'kin.

"May masakit pa ba sa'yo?"

"Yung ulo ko pero hindi naman masyado."

"Wait lang ha?" Lumabas s'ya saglit at bumalik ng may dalang tablet at tubig.

"Ano 'yan?"

"Gamot." Sabi ko na nga ba eh mamimilosopo.

  

"Shunga. Alam kong gamot 'yan, what I mean is para saan?"

"Para sa'yo, para hindi na sumakit ang ulo mo."

Napangiti ako ng konti. May tinatago din pala 'tong sweetness sa katawan. "Akin na nga 'yan!" Kinuha ko yung biogesic at ininom ko 'yon.

"Oh masakit pa ba ang ulo mo?"

"Aba! Oo naman! Alangan namang gumaling agad!" Natatawa-tawa kong sinabi sa kanya. Baliw talaga 'tong lalaking 'to!

"Hahaha! Oo nga naman." Nilagay n'ya yung baso dun sa table at tumabi s'ya sa'kin. "May nalaman akong mas effective na gamot para daw gumaling yung taong may sakit."

"Ano 'yun? Baka naman mahal yung gamot na 'yun?"

"Hindi. Hindi na nga kailangang magbayad eh. Libreng-libre."

Parang alam ko na kung ano man yung sinasabi n'ya!

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!