a/n: tanong galing kay Akosijenge

question: Lory, what if magtapat sayo si Grey sa harap ng maraming tao, ano reaction mo?

Lory's answer: Wow. as in wow. Kukutusan ko ang lalaking 'yon.

-----

Chapter 17

Ginantihan n'ya din ako ng yakap. "Buti naman nagustuhan mo yung pagkanta ko."

"Yung kanta yung nagustuhan ko pero yung boses mo, hindi. Sintunado ka kasi eh." Pagjojoke ko. Bigla naman s'yang nagpout. "De joke lang hahaha!"

Humiwalay s'ya ng yakap. "Ah ganun, jinojoke mo na pala ako ha?" Bigla s'yang nagsmirk kaya napaatras ako.

"Ah hehe. Hindi na---hahahahaha! Ano ba Grey--hahaha!" Kiniliti n'ya 'ko kaya napahiga ako sa sahig. Sinasabi ko na nga ba eh!

"Panget pala ang boses ko eh. Oh ayan!" Lalo n'ya pa 'kong kiniliti sa tagiliran.

"Hahaha! Tama na! Hahaha! Oo na----hahaha! M-maganda na---hahaha--boses mo! Hahaha!"

Tumigil na s'ya sa pagkiliti at ako naman ay hingal na hingal.

"'Yun lang pala ang katapat mo eh haha!"

"Heh!" 'Yun lang ang nasabi ko dahil hinihingal na ako. Inoffer n'ya ang kamay n'ya para tulungan akong makatayo. Nung hinawakan ko ang kamay n'ya ay unti-unti na 'kong tumatayo pero bigla na naman n'ya 'kong kiniliti.

"Hahaha!" Bumagsak na naman ako sa sahig pero dahil sa nakakapit ako sa kanya ay napasama s'ya sa pagbagsak ko and now, he's top on me.

Napakalapit ng mukha namin at tinigilan n'ya na ako sa pagkikiliti. Medyo matagal kami sa ganitong posisyon.

Anong nangyayari?! Bakit ang bilis at ang lakas ng tibok ng puso ko?! Normal lang ba 'to?!

Nakatingin lang s'ya sa mga mata ko at ganun lang din ako.  Bigla akong nakaramdam ng pagbaligtad ng sikmura kaya tinulak ko s'ya at tumakbo agad sa banyo. Pinipilit kong sumuka pero wala namang lumalabas. Sumunod pala si Grey at hinimas-himas ang likod ko.

"Nahihilo ka ba? Dadalhin na kita sa ospital!" Pagkatapos naman n'yang sabihin 'yun, unti-unting nanlabo ang paningin ko hanggang sa mawalan ako ng malay.

"Honey!!!"

----

  

Nagising ako sa isang lugar na puro kulay puti. Nasaan na kaya ako? Nasa heaven na ba? Ano ba talagang nangyari?

"Buti naman gising ka na Honey!" Sumalubong sa'kin ang maaliwalas na mukha ni Grey. Hawak-hawak n'ya ang kamay ko.

"A-ano bang nangyari?"

"Nawalan ka ng malay." Nakangiti n'yang sinabi. Kitang-kita ko sa mata n'ya na sobrang tuwang-tuwa s'ya.

Ang Manyak kong AsawaBasahin ang storyang ito ng LIBRE!